30. THE BOX OF MEMORIES

0 0 0
                                    


30. THE BOX OF MEMORIES

[CHERRYL's POINT OF VIEW]


"NURSE JESS!! NURSE!" kumikirot na naman ang ulo ko. aaarrgghh! kahit na parang manhid na ang buo kong katawan kasi parang ansakit parin nito. Ewan kung utak ko ba o puso ko pero sanay na rin naman ako.

Gusto ko na ring ipikit ang mga mata ko para matapos na 'to,

kasi... kahit pa ilang beses akong ipasok sa makina, turukan ng kung ano-anu -wala e. Tanggap ko na, wala na ring kakapuntahan ang lahat ng ito... pinapaasa ko lang ang saril ko.


"Iiwan na kita, pero masaya akong mawawala...

Alam mo miko, hon... masaya akong nakilala ka. Naalala mo ba yung.. yung unang nagkakilala tayo, di mo na natatandaan?

hehe, dun yun sa Kristy kreme di ba! nakakatawa nun kasi ang hagard hagard ng hitsura mo, nakakurbata ka pa naman nun, long sleeve na pormal pero para kang galing sa imburnal, hehe, sorry-sorry - pero ang cute mo parin naman nun. Ikaw! Ikaw!

ansungit ng hitsura mo nun nang umorder ka. Mag isang kumakain, natawa nga ko nang lumapit ako sayo

tinanong kita kung pwedeng maki-share?

natatandaan mo pa ba yung sagot mo sakin? sagot! hehe ayaw mong sumagot?

ano ba yan, mas ulyanin ka pa sakin dapat nga akong mas makakalimutin kasi ako ang me sakit e,

sabi mu nun: andaming bakante oh, wag kang mag-alala hindi nirerentahan ang mga upuan dito, customer ka rin naman e, ibig sabihin nagbabayad ka rin ng tax, kaya may karapatan kang umupo sa bakanteng upuan.

Tsk! ang sungit sungit mo nun, pero that time na love at first sight ata ako. Hehe, ang corny no, di ba?! di ba?

pero umupo parin ako sa tabi mo,

gusto ko dito e, pwede?


kaya lang wala namang umiimik satin, wala namang nagsasalita; gusto kitang makilala, makipagkaibigan nun kaya pag-alis ko iniwan ko yung tissue na may cellphone number ko

kala ko nga hindi mo yun kukunin... pero nasa bahay na ko nang narecieve ko ang text mo. Hindi mo rin pala ko matitiis.

kinikilig ka no?!" hehe, ano ba 'to bakit ba ko nakikipag-usap sa litrato -


"mikko, nasan ka man, sana malaman mong mahal na mahal parin kita,"

"Nandito lang ako Che, hon mahal na mahal din kita" ano ba yan, feeling ko kinakausap na talaga ko ng picture na 'to! Hay! Parang narinig ko talaga ang boses ni Mikko, pero imposible yun, hindi niya nga alam na nandito ako e,


hon mahal na mahal din kita," nagulat ako nang pagbukas ng pinto, si Mikko? bakit nandito

"M-Mikko diyan ka lang!! DYAN KA LANG!! WAG KANG LALAPIT!!" nahihiya ako sa hitsura ko, hindi mo ko pwedeng makita sa hitsura kong ito. Ang pangit-pangit ko na,

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon