11. Really it is (not) a BAD Idea

4 0 0
                                    


11. Really it is (not) a BAD Idea

"Sasakay pa ba tayo?" tanong ni Miko sa babaeng blonde ang buhok, na kanina pa nginangatngat ang kuko. Wew... Anlinis sa katawan, kaya pati kuko nililinisan gamit ang maliit at matibay nitong ngipin na naka-brace.

"SIR??! KANINA PA TAYO NAGLALAKAD DI BA? AYY!! ngayon ka pa sir nagtanong e ilang hakbang na lang dito ang CMed e," magalang na sagot ng babaeng itago na lang natin sa pangalang CASE, mabagal ang kanilang lakad.

"Patikim nga niyang kinakain mo!!" wika nito at kinagat niya ang daliri ng Babae, masaya nilang pinagsaluhan ang maduming kuko...

[Miko Salvador's Point of View]

Pagkalabas ko ng Mini-stop nakita kong nasamid si Case sa iniinom na Vitamilk, "Ambilis ng Karma no? Ayan, andamot kasi ng isa d'yan! Kala mo may aagaw ng pagkain niya," tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay,

"Ampakla naman nitong binigay mo sakin, ano ba ito sir?" sabay na kaming naglalakad, andami kong bitbit, naka P 400+ din ako, para sa isang buong magdamag na pagbabantay, sana maubos namin ang lahat ng 'to.

"Gatas yan, Vitamilk nga nakasulat o,"

"Gatas ng ano? Galing sa dodo ng kambing? o sa dodo ng cow? ah?" I just laughed to that

"Soya yan! Hindi yan galing sa hayop," mabagal ang lakad namin madadaanan na namin ang simbahan na isip kong pumasok muna kaya kami, magdasal? Parang ang ganda lang ng ideya na pumasok kayong dalawa ng kasama mo sa simbahan at doon ay magdasal?

Bakit may tanong -MAGDASAL??? ewan, e kasi unang-una, hindi nagdadasal si Case. Kasi nga may pagka-HITLER siya e, tipong naniniwala rin siyang dapat ang mga taong perpekto lang ang pwedeng mabuhay sa mundo. At walang Diyos na nagsasabing dapat maging pantay ang turingan ng lahat. In short, hindi na ata siya naniniwalang may Diyos?

Kakatakot 'tong batang to!

"SSSIIIIIIRRRRRRRR!!! " sigaw niya bigla at nilapit pa sa kanang tenga ko

"OOOUUCCHHH!! Ano ba yon?!" ansakit ng tenga ko, kakatulili! feeling ko nabingi na ko ahh.

"Bakit tulala po kayo, Sir, upo muna tayo sa simbahan, baka may misa ngayon," then I feel amazed, puzzled?

"Nagsisimba ka? Katoliko ka ba?" curios ako kaya natanong ko, kasi nalaman ko noong nagpa-recitation ako. I asked Cassandra

"Do you believe in God?", then, she just tell that hindi na siya naniniwala na may Diyos?

"Hindi ako Catholics sir! Sila papa Catholic pero ako hindi. Ahmnn... gusto ko lang makarinig ng sermon ng pari, kasi, gusto kong mapag-aralan yung mga kasinungalingang pwede kong marinig..." kasinungalingan ba para sa kanya ang salita ng Diyos? BAD HITLER GIRL!!!

"Sir, may ginagawa kasi akong story about dun e, pano kaya ang point of view ng pari, how they think, they move or how they eats their words?"

"Ui, BAD YAN!! Para sa mga works mo, maninira ka?"

"Sir naman e, hindi ako maninira... ahmmn, I am just writing the reality of their life, In the first place sila naman ang sumisira sa sarili nila"

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon