13. Bonding -part 2

4 1 0
                                    

13. Bonding -part 2

[INTOY'S POINT OF VIEW]

"HOY TIGIL BATA!!", sa likod ko galing yung sigaw. Siya na naman, yung Mr. kurbata sa Fx Taxi at sa simbahan, hanggang sa tuktok ng simbahan sumunod. Tss. Takot naman sa mataas..

"Ay kapit tuko, kelangan ko nang bilisan" TATAKBO na ko, habulan gusto mo ha. Sige, habol Mr. Kurbata. papasok na rin siya ng simbahan, tagu-taguan gusto mo o mataya-taya? Habol lang nang habol, walang mananalo kay Intoy sa takbuhan, ikaw pinaka magaling e, sige the best ka na sa takbuhan, tsaka sa akyatan.

"Ay! putik na bogalogs.. mister kurbata.. " ambilis din pala nitong tumakbo, nasa harap ko na agad, pero mas marami akong alam na daan. sige sunod ka sakin a-

"ay! putaragis! bos tsip!" itong lolong buwaya pa! nalintikan nang.

"SIR HULIHIN NIYO YAN! MAGNANAKAW YAN", syete naman malas! malas, kelangan kong makasibat bago pa makalapit si Mister kurbata.

"Teka lang boss tsip, wag niyo kong hulihin, wala akong ginawa,",

"Sir, Ayan po, nakita ko yang nagnakaw sa isang ale," putik, sumbungerong Mister Kurbatang 'to!! Tsk!

"Sir, wag kang mag-alala, matagal na talaga namin 'tong tinitiktikan e, kami na pong bahala," matagal nang tinitiktikan, gago rin 'tong si Bos tsip e, pakitang-tao pa, matagal mo na nga po kaming dinedelhensyahan. Bwiset! Bopols ka Intoy!

"Sir, wag niyo pong pakakawalan yan, dapat pinaparusahan ang mga yan e, pati sa simbahan nagnanakaw,"

"Sige po, Wag kayong mag-alala, sa kulungan pong tuloy nito,"


"Sige po," arrraaaayy, ang higpit makahawak talaga nito ni tsip. Parang bakal ang kamay. Arrrggh. Ang hirap pumalag, bibitbitin na naman ako sa presinto. Malas. Malas!

"Teka lang boss tsip.. p-pakawalan-mo-na-ko! hetong nadelhensyahan ko, sayo na muna ito sir, bos tsip"

"tsk! tumigil ka, hindi kita pwedeng pagbigyan ngayon, puro ka na tantos sakin, bingo ka na Intoy!"
syeteng kumag na 'to, ngingisi-ngising demonyo. talaga naman oh! grabeng makakapit sakin, tadyakan ko kaya 'to, buset! Hindi ako makapalag. Arrgghh.! talaga naman o, malas. Malas!

"wag ka nang magtangkang pumalag, sumama ka nang maayos, Intoy wag mo kong suhulan, alam mong may tsapa ako, at nakayuniporm, hindi mo ko madadaan dyan! hehe, mas malaking delhensya ang ibibigay ng master mo sakin,"

"sige pasok! ikaw! kaya magdasal kang tubusin kaagad.." kaladkad, hatak ako ng baboy na 'to, bigla kaya kong pumalag, mahugot ko lang 45 nito sa tagiliran, isang baril lang sa ulo, tumba to!

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now