15. HHWW at the China Town of the Philippines

3 0 0
                                    

15. HHWW at the China Town of the Philippines

[MIKO SALVADOR'S POV]

Mula kaninang pag-uwi ko dito sa bahay, hindi ako makapagdecide kung pupunta ako.

"sa tingin mo Aily pupunta ba ko?" tinitigan ko siya, mata sa mata. Iniwas niya lang ang titig niya sakin,

"ayaw mong tumingin?"
B

astos na kausap to ah.

"kung pupunta ako, hindi kaya ako ma-out of place lang sa kanila... ano sa palagay mo?" tumalon siya sa kamay ko nang may nakitang daga.

"hindi ka mapalagay!! Ailyy, wala kang kwentang pusa! iwanan ba naman ako. tsk!" si Aily ang pusa namin na biglang tumalon sa pagkakakarga ko, tumakbo sa batang may laruang daga.

Narinig ko na lang, biglang umiyak yung bata, dahil inagawan ng pusa ko yung bata... "waaaaaaahhhh" gusto ko sanang sumaklolo. Paluin si Aily, pagsabihan, sa susunod wag kang mang-aagaw ng laruan ng may laruan ha, wag kang salbahe, waaaahhh... baka isipin na nilang baliw na nga talaga ako.

Mga kapitbahay kasi namin, baliw na ang tingin sakin mula noong nabalitaan nilang -tumalon daw ako sa simbahan, nagsuicide, kasi daw na sobrahan sa pag-iisip kaya daw wala na ko sa tamang pag-iisip. Instant celebrity ako sa amin, buong linggo akong pinag-usapan pero binalewala ko lang mga naririnig kong kwento ng mga aleng taga-kabilang barangay.

"nakita ko yang anak ni tatang mambabalot," talsikan ang laway ng matabang babae, "yung teacher daw," sagot naman ng isang tatango-tango.

"Ou, yun! nakita ko yun sa simbahan, sa kapilya noong nakaraang gabi,"

"mukhang pulubi, ang gulo-gulo ng buhok, tapos naka-longsleeve e walang suot na sapatos," sige, pinagpipyestahan nila ang buhay ko, buhusan ko sila ng isang baldeng laway e!! Hindi ako baliw, naholdap ako nun! At may hinabol akong magnanakaw hanggang sa tuktok ng simbahan! Haist!

"tapos, tapos, yung batang yun, nakita kong umiiyak at parang may kinakausap sa hangin, e diba baliw yung ganun, naku baka nasiraan na talagang tuktok 'yan,"
M

ga marites talaga amputik!

"Ou, nababaliw na nga," tugon ng isa.

"baliw na nga!" pagsang-ayon naman ng isang kamarites.

"I SECOND DEMOTION," sagot kong pasigae naman sa kanila, tapos nagulat sila at nagtakbuhan dahil dun lang nila nalamang nakikinig ako sa kanila mula pa nagsimula silang pag-tsismisan ang buhay ko, nagpulasan sila at kanya-kanyang takbo habang sinasabing 
"Baliiiiiiiiiiiwwwww!!"

Hay!!! Mag-aalas otso na ngayon, hindi ako mapalagay sa kwarto ko. Ngayon talaga para akong baliw. Palakad-lakad, atras-abante sa salamin. Waaahhh, nakabihis ako na pulang-pula at medyo may chinese design. Tingin ko, para akong chief sa Chowking na parang tagatinda ng bulaklak tuwing valentines day! nakapolo akong pula, sabi kasi ni Cassandra dapat daw naka red para sa celebration ng Chinese new year, new years eve na mamaya. Wew, baduy ko! nakatack-in pa ko.

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon