31. ELEHIYA

0 0 0
                                    

31. ELEHIYA

[abNORMAL POINT OF VIEW]

MAINGAY SA LOOB NG BAR. Tahimik ang utak ni Miko, wala siyang ibang maisip, walang tumatakbo sa kanyang isip, hindi niya naririnig ang sigawan at hiyawan ng mga nagkakasiyahan, mga sumasayaw.

Malungkot ang awit sa puso ni Miko, pero gusto niya ring sayawan ang tugtog na ito.

"Sir, bill niyo po," nangangamba yung waiter dahil sa dami ng nainom ng lalaking yun.

"hinde pa ko tapos umenum diba?! bigyan mo pa ko," ani ng lalaking iyon sa bar tender na napapakamot na lang ng batok, nagdadalawang isip ito kung bibigyan pa ba siya ng ino-order na alak,

"binge kab ba ha, shabe ko, bigyan mo pa ko ng alak!!"

"ANO BA??! ME PERA KO O HETONG WALLET KO!! Mukang nangmamata kayo ha," may lumapit na binata sa kanya,

"i-it's okay! just give him the last,"

"Master, Yong Jing,"

"sige lang," naupo ang binata sa tabi ng naglalasing,

"mukhang mabigat ang problema mo ha, are you okay," hindi man lang siya nilingon ng lalaki,

"tsk! m-master?? tunog hari ah! anak mayaman ka ibeg shabihin me pera kayo, at kaya niyong magbayad ng kahit ilang drum ng alak? pero di niyo kayang bayaran ang kaluluwa ng tao, di niyo ko mabibili!!"

"master, tatawag na po kong security?" umiling lang ang binata sa sinabi ng bar tender.

"DI NIYO KO PWEDENG PAGLARUAN!!" nagulat ang ilang nasa paligid sa biglang pagsigaw ng lalaki.

Agad namang lapit ng dalawang bouncer at binuhat ang nagwawalang lalaki. Nagpapalag at sumisigaw ito kaya napiliting sapakin ito ng isang bouncer -hinagis papalabas ng bar hub.

Lupasay ang lalaki, mga ilang minuto ay nagising. Pasuray-suray na naglakad, may humintong FX taxi at agad itong sumakay.

Sa loob ng sasakyan, naiirita ang ilang katabi niya, pipikit siya at maya maya'y malalaglag ang ulo,

"ay anu ba yan," babae pa naman ang katabi niya, mapapadilat ito.

"Kayo, hinde niyo ko maiishahan, ibaba niyo ko dito!! alam ko mga magnanakaw kayo! tsk! hindi ako tanga, kilala ko na kayo naku! anong gusto niyong kunin sakin ngayon ha? wallet ko -"

"pare wag kang mag-iskandalo," ani ng driver.

"ako? TSK!! wag kayong magtitiwala sa tao!! kahit na mukhang anghel pa. Alam niyo kung bakit? kasi may sa demonyo yun! Kilala niyo si Cassandra tsk! Hindi yun mukhang anghel, alam niyo kung sino siya -siya si HITLER GIRL! Kailangang mawala din yun sa mundo!"

napapangisi na lang ang ilang mga pasahero, "kuyang driver, pababain niyo na lang po, lasing e,"

"ano, sisipain niyo ko palabas? bababa ako, kaya kong bumaba ha!!"

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now