14. Kung Hei Fat Sai

5 0 0
                                    

14. Kung Hei Fat Sai

(the perfect moment)

[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]

"Sir pwedeng, " bigla siyang sumandal sa dibdib ko habang nakaupo kami sa bench, nakaharap sa kama ng ate niya. I hold her close with my arms.

Maya-maya, napansin kong humihilik siya. Pagod? Kawawa naman 'tong batang ito. Alam kong pinagdadaanan niya, yung nararamdaman niya ngayon naiintindihan ko yun. Dito sa puso ko. Sariwa pang sakit...

Si Cherryl, hinahanap parin siya ng puso at isip ko. Yung pagmamahal ko sa kanya, hindi parin namamatay. Hindi parin nawawala. May tanong parin sa isip ko na gusto kong masagot. Si Cherryl, walang iniwang dahilan, walang iniwang rason sa pagkawala niya. Gaya ng pagkawala ng mama ni Case.

Tss! Bakit ko ba iniisip si Cherryl, gayong kasama ko si Cassandra. Ano ba yan! Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha ni Cassandra. This Blonde girl -may pagkasutil, suplada, totally a Hitler Girl, pero iyakin din naman pala.

"Hay naku Case, Ansarap mong..." ang sarap mong... halikan? Waaaaahh!! Hindi ko pwedeng kalimutan ang ugnayan namin: Estudyante ko parin siya at Instructor niya parin ako. Ano ba 'tong naiisip ko.

Pero, posible bang nahuhulog na ako sa babaeng ito? aarrrgggghhH!!! Malaking joke yun! Stop that idea! It's not a good Idea! And it will never happen. It will n-

"M-mom... I... Love you po... I... Miss.. ma," hala! Kahit sa pagtulog, mama niya parin hinahanap niya.

"Case, I'll help you to find your Mom,"

Isa... dalawa... tatlong oras ding nakahiga siya sa dibdib ko. Nangangawit na ko, at alam kong mangangawit rin ito.

Anong silbi ng kama? binuhat ko siya. Ahhhgg! Kahit pala maliit 'tong babaeng ito, may kabigatan din ang timbang. Tss! Paano e ang lakas kumain!

Nang pagkahiga ko sa kanya sa kama. Bigla ulit bumilis ang tibok ng puso ko. Wigling my head, don't ever pollute my mind... I know, every man is an opportunist -once he sees an open chances, he'll grab it.

By this time, respect in once feelings is greater than any other thing. Kinumutan ko siya at bumalik na ulit sa bench. Hindi na ko makatulog.

"Sir Salvador," nagulat ako nang may tumapik sa likod ko. Hindi ko napansing may pumasok sa kwarto.

"Aahh, Mam, Manda? M-manong Dio magandang umaga po sa inyo," nandito na pala yung Mom ni Case, ay! yung Stepmom pala. tsaka si Manong Dionicio... Bakit kaya na naman sila magkasama ngayon? Naku? May something ba sa kanila? Ewan.

"Sir, nakausap ko po yung doktor, salamat po sa pagbabantay mo sa anak ko, sir pasensya na kung nakakaabala pa po sa inyo, "

"Ahhh, H-hindi. A-ayos lang po, ako nga pong dapat humingi ng pasensya e," masyado naman 'to si Mam Manda.

"Sir, magpahinga ka na muna, kami munang papalit sa pagbabantay, it's already 5 am na naman po e, " hala, tinignan ko yung phone ko, 5am na nga. Hehe, hindi ko na napansin. Umaga na pala.

"S-sige po, pakisabi na lang po kay Case umalis na ko," sige, sa bahay na lang ako matutulog. Palabas na ko ng kwarto ng nagsalita uli't si Mam Manda

"Sir, bukas po, Sunday, Chinese new year celebration po, Iniinvite po kayo ng father ni Case to join us... sana po makapunta kayo," 
sabado pala ngayon, bukas pala linggo. Wew, Chinese New year? Teka, Hindi ko alam na may Chinese blood pala sila Case. Ah, kaya pala ganun yung hitsura niya, sabi ko na hindi purong Pilipino yung batang 'to.

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now