Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Prologue

289K 7.8K 1.8K
                                    

"Amara Jean, this is your new house."

Akap-akap ko ang bag ko habang nililibot ng tingin ang kabuoan ng bahay na iyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kalaking bahay. Siguro ay sampu o higit pang beses ang inilaki niyon sa bahay na kinagisnan ko.

Ang sahig ay kumikinang sa sobrang linis, halatang hindi hinahayaan na madumihan. Pwede na ngang manalamin. Ang mga mwebles ay halatang mamahalin at nakakatakot hawakan. Sa palagay ko kasi na kapag nabasag ko ang isa sa mga iyon, kahit magtrabaho ako buong buhay ko ay hindi ko iyon matatapos na bayaran.

The furnitures have a classy and sophisticated look. They even have a chandelier. At sa gitna ay isang magarbong hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa tabi ko. Magaan ang dantay ng mga kamay n'yang nakahawak sa mga balikat ko. She looked down when she noticed me staring at her and smiled warmly at me.

Alam kong mabait s'ya. Ilang beses ko na s'yang nakikita sa bahay-ampunan na pinagdalhan sa akin. Palagi n'ya akong binibigyan ng iba't ibang klaseng mga laruan. Mga manikang magaganda at mas malambot pa ang buhok kaysa sa akin. Binigyan n'ya rin ako ng pagkalaki-laking doll house na palaging hinihiram sa akin ng mga batang babae sa ampunan.

Kasama n'ya iyong asawa n'yang nakatayo rin sa tabi ko. Tiningala ko naman ang lalaki. Ang mga kamay n'ya ay nasa loob ng mga bulsa ng pantalon n'ya. May salamin sa mata at naghahalo na ang mga itim at puting buhok. May munting ngiti sa mga labi n'ya habang nakatingin sa akin.

Palagi silang dumadalaw sa bahay-ampunan. At sa bawat pagdalaw ay palaging may dalang regalo para sa akin. Sa pangalawang beses na ginawa nila iyon ay sinabi sa akin ng mga batang mas matanda sa akin ng ilang taon na may plano ang mag-asawang Abella na ampunin ako kaya nila ginagawa iyon.

Marami ang nainggit dahil ang iba ay matagal nang nangangarap at naghihintay na may mag-ampon sa kanila. O kaya ay balikan ng mga magulang. Pero sa dami ng mga batang mas bata pa sa akin doon ay ako ang napiling ampunin ng mga Abella.

I was already seven years old. Ang sabi ay madalas na sanggol ang mga inaampon o hindi kaya ay iyong mga nasa edad hanggang limang taon. Kaya marami ang nagtaka na ako pa ang inampon nila.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumingin ako sa babaeng Abella nang marinig ko ang tanong na iyon. She was smiling pero halata sa mga mata n'ya ang pag-aalinlangan sa magiging sagot ko. Na para bang ang isang laki sa hirap na batang katulad ko ay hindi magugustuhan ang ganitong kaganda at kalaking bahay.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling iginala ang tingin sa magandang bahay na nasa harapan ko. Nandito kami sa pintuan at hinayaan ako ng mag-asawang Abella na pagmasdan muna ang bahay na magiging tirahan ko simula ngayon.

Humigpit ang pagyakap ko sa bag. Siguro, kahit na gaano pa kalaki ang bahay na iharap sa akin, kahit gaano pa karami ang mamahaling mga laruan ang ibigay sa akin, hindi mababago n'on ang kagustuhan ko na makapiling muli ang mga magulang ko.

Ang totoo kong mga magulang.

"Let her adjust, Lia. Bago pa sa kanya ang lahat ng 'to," dinig kong sabi ng lalaking Abella.

Hindi na nagsalita ang babaeng Abella at tinanggal na lang ang pagkakahawak sa balikat ko. Alam kong hinihintay lang nilang ako ang maunang pumasok sa loob ng mansyon. Pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa mga paa kong nasa labas lang ng bahay. Isang hakbang lang ang kailangan kong gawin at makakapasok na ako sa loob.

Natatakot ako na baka sa paghakbang ko ay makalimutan ko ang pamilyang kinagisnan ko. Ang totoo kong pamilya. Natatakot ako na baka sa pagpasok ko sa loob ng mansyon ay isa-isang mawala ang mga alaala sa akin ng mga magulang ko.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon