Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 1

179K 7.1K 2.3K
                                    

What happened to my father made a big impact into our lives. Ang tahimik at masayang pamumuhay namin ay biglang nagulo dahil sa isang krimen na kinasangkutan n'ya. At hindi ko namalayan na pinapipiyestahan na ng buong mundo ang istorya ng pamilya namin dahil kay Papa.

Walang patawad ang mga reporter kung mag-abang sa labas ng bahay namin para kunin ang panig namin nina Mama. Naaalala ko pa noon ang takot na naramdaman ko habang pilit akong pinagsasalita ng isang makulit na reporter para sa segment n'ya. They even waited in front of my school just to get my statement.

Dahil malaking eskandalo at laman palagi ng balita, the whole country knew about it. My classmates bullied me. The whole school bullied me. Ang mga guro ay nagbulag-bulagan kahit na alam kong may ideya sila sa pang-aaping ginagawa sa akin ng mga bata. They all saw it, how much I suffered in the hands of those bullies and judgemental people, but they all turned a blind eye.

I was branded as the murderer's daughter. The devil's daughter. Naging kasiyahan nila sa araw-araw ang pambu-bully sa akin. I couldn't do anything. Wala akong kakampi. Si Mama lang na alam kong pareho rin ang dinaranas sa akin ang naging kakampi ko kaya nanatiling tikom ang bibig ko sa nangyayari sa akin sa school.

Palaging madumi ang uniporme ko kapag umuuwi ako galing eskwela. Nagdadahilan na lamang ako dahil ayaw ko na s'yang pag-alalahanin pa. Ayaw ko na s'yang bigyan ng pasanin dahil nakikita kong nahihirapan s'ya.

At such a young age, I learned how to endure all the bad things that were happening to me. For my mother.

Dahil nakulong si Papa, kinailangan ni Mama na maghanap ng trabaho para itaguyod ang pamilya. But because she was known as the wife of the murderer, no company dared to hire her kahit na qualified naman s'ya para sa trabahong iyon. Kahit na hindi nakapagtapos ng kolehiyo, alam kong kaya ni Mama ang trabahong sinubukan n'yang apply-an pero hindi talaga s'ya tinatanggap.

Isang karinderya ang tumanggap sa kanya bilang dishwasher. Doon sa likurang bahagi s'ya ng karinderya naghuhugas ng mga pinagkainan kung saan hindi s'ya makikita ng mga tao. Ang sahod ay hindi kalakihan kumpara doon sa mga kompanyang hindi s'ya matanggap-tanggap. But my mother didn't have any choice. Tinanggap n'ya ang trabaho kaysa sa wala.

Pagkatapos ng trabaho n'ya sa karinderya ay naglalako s'ya ng balot at mani. Nagtatakip na lamang ng mukha gamit ang sumbrero para hindi makilala ng mga bumibili.

Halos walang naging pahinga si Mama. Naranasan ko ang gumising mag-isa at alagaan ang bahay dahil palaging wala si Mama at nagtatrabaho para may pangkain kami dahil kulang na kulang ang kinikita n'ya. I witnessed how much she struggled because of my father.

"Anak ng killer! Anak ng killer!"

Paulit-ulit ko iyong naririnig kapag naglalakad ako sa loob ng eskweluhan. The students had a fun time bullying me. Wala akong magawa kundi tanggapin ang pagtrato nila sa akin kaysa sa patulan pa sila na alam kong mas makakadagdag lang sa paghihirap ni Mama.

Dahil wala nang pahinga ay mabilis na nanghina si Mama. Nagkasakit s'ya at hindi kinaya ng katawan n'ya ang pagod at puyat sa pagtatrabaho. Namatay s'ya nang hindi man lang namin nadadalaw si Papa sa loob ng kulungan. And that's when the DSWD came and took me. Pero kalaunan ay itinapon din ako sa isang foster home until the Abellas decided to adopt me.

Sa murang edad ay naranasan ko ang hirap. Ang mahusgahan ng mga tao sa isang bagay na hindi naman ginawa. Ang mahusgahan nang nababase lamang sa mga naririnig nila.

I wonder why people love to judge others based solely on rumors? I wonder why people even believe those rumors? Bakit kaya ang mga tao ay mahilig paniwalaan ang mga naririnig nila at sa kakaunting impormasyon na iyon ay huhusgahan na ang buong pagkatao ng isa? That with those little lies, they will start to throw hate to others like they've known them all their lives?

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon