Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 8

125K 5.3K 1.4K
                                    

Pigil na pigil ang pagngiwi ko nang marinig ang sinabing iyon ni Attorney Cervantes. Hindi ko alam kung paanong ekspresyon ng mukha ko ang dapat kong gawin. I didn't want to smile dahil hindi naman ako masaya sa balitang iyon. Isa pa, mahahalata ng abogadong kaharap ko na peke ang ngiti ko dahil hindi ko talaga magawang maging masaya sa sitwasyong ito!

I gritted my teeth, at kahit na mahirap ay pinili ko na lang na huwag nang magpakita ng kahit anong emosyon. Pero mukhang hindi yata gumagana iyon dahil nakita kong kinagat ni Attorney Cervantes ang pang-ibabang labi n'ya na parang pinipigilan ang pagngiti. Nakikita ko sa kulay hazel brown n'yang mga mata ang katuwaan sa pagpipigil ko ng emosyon.

"Mukhang ayaw mo, a?" he chuckled. "It's either you don't want to work here, or you don't want to work with Attorney Villaraza."

"Hindi naman po sa—" agad kong sabi pero mabilis ko ding itinikom ang bibig ko. Pinili ko na lang ang huwag nang magsalita dahil baka may masabi pa akong kung ano.

Hindi naman sa ayaw ko kay Attorney Villaraza. Ayaw ko lang talaga sa ginawa n'ya sa kaibigan ko. He really sounded so rude. Ayoko pa naman sa mga bastos na tao. Iyong mga taong mataas ang tingin nila sa sarili nila.

And that was my first impression of Attorney Villaraza. He's a rude, egoistic man who didn't really care about the people around him. Nakipagkilala lang naman si JC sa kanya pero binastos n'ya!

Napahugot ako ng malalim na buntonghininga. First impression ko lang naman iyon. Sabi nga ni Daddy na ganoon talaga ang mga lawyer. They should guard themselves as they didn't know who their enemies were outside the court. Kaya rin siguro ganoon na lang ang pinakitang reaction ni Attorney Villaraza noon.

Napasulyap ako kay Attorney Cervantes na nasa harap ko. He was smiling at me. Halata ang katuwaan sa mga mata n'ya dahil sa pinapakita kong reaksiyon sa ngayon. But he still has that intimidating aura around him na parang kaya n'yang magbiro sa lahat ng pagkakataon pero nakakatakot kapag nagseryoso na.

Bakit si Attorney Cervantes mukha namang approachable? Hindi nga nawala ang ngiti n'ya simula pa kanina. And I could tell that he's trying hard to lighten the atmosphere dahil nakikita n'ya ang pagkailang ko.

Pero si Attorney Villaraza, with the aura he's emitting around him, parang matatakot talaga ang kahit na sino na lapitan s'ya. Napansin ko na agad iyon sa sandaling nakita ko s'ya. Masyado lang talagang makapal ang mukha ni JC at sobra n'yang iniidolo ang abogado kaya hindi n'ya siguro napansin ang mga iyon.

And I don't even get myself. Si JC naman ang binastos at hindi ako. Tapos ako pa 'yung nagalit samantalang wala nga lang iyon sa kaibigan ko. He even thought that Attorney Villaraza was cool!

I sighed.

"Wala po bang ano..." I trailed off. Hindi ko na naipagpatuloy nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Attorney Cervantes.

"Tatlo lang kaming lawyer ang allowed mag-train," he said. "The other one rarely visits here as he's a corporate lawyer. Nandoon s'ya madalas sa company ng kliyente n'ya. So it's either Attorney Villaraza or me. But since I know who your father is, maiilang akong utusan ka. That leads you to..."

Tuluyan na akong napangiwi. Mas natawa lang si Attorney Cervantes sa pagpapakita ko ng pagkadisgusto sa sinabi n'ya. Pero hindi ko na kasi talaga mapigilan. Kung si JC ang nasa sitwasyon ko ay baka magtatalon pa iyon sa tuwa ngayon.

"I don't have any idea why you dislike Attorney Villaraza," Attorney Cervantes said. "But this is the reality. You couldn't choose the people whom you're going to work with. Gaya ng hindi ka makakapili kung sino ang makakatabi mo sa bus o sa jeep. In any way, we will always encounter people that we don't like. 'Cause that's what life is, Ms. Abella."

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon