Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 2

145K 6.2K 2.9K
                                    

Unti-unti kong inalis ang puting kumot na nakatabing sa katawan ni Papa habang nakahiga s'ya sa metal na higaan na nandoon. Ibinaba ko ang kumot hanggang sa balikat n'ya at agad ko iyong nabitiwan nang makita ang mukha n'ya at ang mga mata n'yang nakapikit. Ang mapulta n'yang balat dahil hindi na dumadaloy ang dugo sa katawan n'ya.

My father is dead. Patay ni si Papa.

Halos hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyari. Sobrang bilis ng lahat. Parang kailan lang noong ginigising pa ako ni Mama para mag-almusal bago ako pumasok sa eskwela. Nandoon na si Papa sa hapag, umiinom ng kape. At si Mama ay inaasikaso kaming dalawa. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming mag-aalmusal.

Ano'ng nangyari? Bakit nandito ako ngayon sa morgue, nakatayo sa tabi ng wala nang buhay na katawan ni Papa? Bakit kay aga akong iniwan ng mga magulang ko?

Tinitigan ko ang mukha ni Papa. Dalawang linggo pa lang matapos noong huli naming pagkikita, noong dumalaw ako sa kanya sa kulungan pero halatang-halata ang laki ng ipinagbago n'ya. Mas lalo s'yang pumayat. Ang mukha n'yang mukhang payapa nang natutulog ay halatang nakaranas muna ng matinding paghihirap.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatitig sa mukha ni Papa. I tried to tap his cheeks, hoping that it would wake him up, hoping that he would open his eyes pero mas lalo lang akong naiyak nang maramdaman ko ang lamig ng balat n'ya sa mga kamay ko.

"Papa..." tawag ko sa kanya habang humihikbi.

Naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang mga balikat ko. Dinig ko ang pagsinghot n'ya, tanda na umiiyak din s'ya. Napahikbi ako at muling tinapik ang pisngi ni Papa.

"'Pa... gising na po."

Pero kahit anong tawag ko sa kanya, kahit na anong lakas ng pagtapik ko sa pisngi n'ya ay hindi na muling dumilat si Papa.

Malakas akong napahagulgol. Paano na? I've been trying to study hard. Isinantabi ko ang mga nangyari para mas makapag-focus ako sa pag-aaral dahil gusto ko talagang makalabas ng kulungan si Papa. Umaasa akong magkakasama ulit kami. Na kahit na wala na si Mama ay makakaya ko basta't nasa tabi ko lang si Papa.

Pero ngayong wala na s'ya, para saan pa ang mga ginagawa ko? Para saan pa at nag-aaral ako nang mabuti? I was trying to pull myself together. Iniisip ko na makakaya ko kahit mukhang imposible dahil bata pa ako at limitado pa ang mga kayang gawin. Nilalakasan ko ang loob ko dahil alam kong kailangan ako ni Papa.

But now, he's gone. They left me. My parents left me.

Napatingin ako sa leeg ni Papa nang mapansin ang mga marka na nandoon. Paikot ang markang nasa leeg n'ya. The police said that my father killed and hanged himself.

I wonder why he decided to end his life. Bakit n'ya ako iniwan? Bakit hindi s'ya lumaban? Alam naman n'yang wala s'yang kasalanan.

"It is so unlikely that Eduardo killed himself, Luis. Mahal na mahal n'ya ang anak n'ya."

Napahigpit ang pagkakayakap ko sa stuffed toy na hawak ko. I woke up in the middle of the night. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto para sana bumaba at uminom ng gatas nang makita ko na nakabukas ang ilaw na nanggagaling sa loob ng office ni Dad dahil bahagyang nakabukas iyon. I heard indistinct voices at nang marinig ko ang pangalan ni Papa ay hindi ko naiwasan ang pakikinig.

I knew that eavesdropping was bad. Pero hindi ko maiwasan lalo pa't alam kong si Papa ang pinag-uusapan nila.

I heard my dad sigh. "I told him that Amara Jean is planning to be a lawyer for him. To clear his name." He sighed again. "I shouldn't have done that."

"Why? Ano'ng kinalaman ng kagustuhan ni Amara Jean na maging lawyer sa pagkamatay ni Eduardo?"

Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko sa stuffed toy. Ang mga kuko ko ay bumabaon na sa malambot na balat ng manika. Pakiramdam ko ay masasaktan ako sa isasagot ni Dad.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon