Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 6

138K 5.1K 1K
                                    

Naging bukambibig ni JC ang naging pagkikita nila ni Attorney Villaraza at doon ko mas napatunayan na sobrang iniidolo n'ya nga ang lalaki. He's been bragging about their one-second conversation ever since we went to that office. Mapupurga na nga ang tainga ko dahil sa paulit-ulit n'yang pagbanggit ng pangalan ng abogadong iyon.

Hinahayaan ko lang naman s'ya. Alam ko naman na hindi naging maganda ang business stuff na sinabi n'yang pinuntahan n'ya kasama ng ama n'ya noong death anniversary ni Mama. Nang magyaya s'yang pumunta sa law firm ni Attorney Villaraza ay nahalata ko nang may problema s'ya. It was his way to divert his attention and to cheer himself up. Kaya nga sumama na rin ako sa kanya noong araw na iyon kahit na wala naman akong interes sa abogadong 'yon.

Pero kaunting-kaunti na lang at malapit nang maputol ang pagtitimpi ko. Nakakainis na kasi si JC! Dalawang araw nang puro na lang Attorney Villaraza ang bukambibig n'ya! Ayos lang sana kung pareho kaming humahanga roon pero hindi e. Wala nga akong pakialam sa Attorney Villaraza na 'yon!

Pero simula nang pagkikita nilang iyon, nagseryoso si JC sa pag-aaral n'ya. Kung hindi magkukuwento tungkol sa iniidolo n'yang abogado ay nakaharap naman s'ya sa notes namin. Kung kailang final exam na ay doon pa talaga s'ya nagseryoso!

But at least, he finally had an inspiration for studying. Nakatulong din pala ang pagpunta namin sa office na iyon para magsimulang magseryoso sa pag-aaral si JC. At siguro, kapag doon din s'ya sa firm ni Attorney Villaraza nakapag-OJT, baka mas lalo pa s'yang ganahan kapag nasa law school na kami.

I sighed. I somehow envied him. Buti pa s'ya, mag-aabogado dahil iyon ang gusto n'ya, dahil doon s'ya masaya. Hindi dahil mayroon s'yang madilim na nakaraan.

But I really wanted to clear my father's name. Kaya kahit na hindi pag-aabogado ang pangarap ko, gagawin ko para sa kanya. Para sa kanilang dalawa ni Mama.

I was doing my best to learn everything I needed to know before going to law school. Sinusubukan kang manghingi ng advice kay Daddy tungkol sa mga kasong nahawakan n'ya na nahirapan s'ya. I tried to watch movies that also have crime or law themes para hindi ako manibago sa terms na lalabas kapag nag-law school na ako.

Ang sabi kasi nila, kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo, kapag hindi mo gusto ang kursong kinukuha mo ay mahihirapan ka talaga. 'Cause that's how it is, right? Hirap tayong gawin ang mga bagay kung hindi naman talaga natin gustong gawin.

And the best thing I could do was to make it easier by approaching what I think will gonna be the problem. Wala ring masama kung hihingi ng tulong.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan kung gaano ka-cool si Attorney Villaraza!"

Nairolyo ko na lang paitaas ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang iyon. Kahit hindi ko na tingnan ay kilalang-kilala ko kung sino ang nagsabi n'on.

Sino pa ba? Iiisang tao lang naman ang kilala kong grabe kung humanga kay Attorney Villaraza. At iisang tao lang din naman ang katabi ko rito sa classroom!

"I don't fuck men," panggagaya ni JC sa sinabi ni Attorney Villaraza. Pinalalim n'ya pa talaga ang boses n'ya. "Damn, I want to be like him!"

"Alin? Ang maging rude sa taong hindi mo naman kilala?" I asked.

Nagsisimula na talaga akong mairita. Ayos lang naman sa akin ang makinig sa mga fanboying n'ya pero kasi araw-araw na lang pauli-ulit ang kuwento n'ya! Nandoon din naman ako! At hindi nga tumagal ng tatlumpung segundo ang pag-uusap nila! Kung pag-uusap man ang maitatawag ko roon!

"Huh? Sino'ng rude?" he asked. Hinahawi n'ya ang hibla ng mga buhok n'yang tumatama sa mata n'ya.

"Hindi ka pa rin nagpapagupit?" tanong ko kaysa ang sagutin s'ya. "'Di ba sinita ka na ni Ma'am Ruiz d'yan dahil graduating na nga tayo?"

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon