Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 7

132K 6.5K 3.3K
                                    

The first semester ended, and thankfully, naipasa ko ang lahat ng subjects ko. Hindi naman sa nagkulang ako or tamad akong mag-aral pero kahit na alam kong naging mabuting estudyante naman ako ay nakakakaba pa rin lalo pa at may mga professor na tamad mag-compute ng grades at nagroroleta lang. Kaya hangga't hindi ko nakikita ang final grades ko ay hindi ako makakampante.

Wala namang naging problema sa mga grado ko, lahat ay pasado. And that's the only thing I needed. Ibig sabihin, ang magiging problema ko na lang sa susunod na semester ay ang pag-o-OJT ko. Kailangan ay maganda ang performance ko sa trabaho dahil doon ibabase ang magiging grado namin para sa pinakahuling requirements bago kami maka-graduate.

Fortunately, nakapasa rin si JC sa first semester. Hindi man ganoong kataasan ang grades n'ya kumpara sa akin, still, it's a good thing that he passed. Nangako pa nga s'ya sa akin na pagbubutihin na n'ya sa susunod at magsisipag sa OJT n'ya. Lalo na kung matatanggap s'ya sa firm ni Atttorney Villaraza.

He's still not giving up about that idea. Siguradong-sigurado pa nga s'ya na matatanggap kaming dalawa. Nagpaplano pa na sabay raw kaming papasok araw-araw at ihahatid-sundo n'ya raw ako dahil magkalapit lang ang mga bahay namin at iisang office lang ang pinapasukan namin.

Hindi na ako kumontra. Tinanggap ko na lang na roon nga ako sa firm ni Attorney Villaraza mag-o-OJT kahit na ayoko sa pagiging maangas n'ya at sa pambabastos n'ya sa kaibigan ko.

The second semester came. Sa unang araw ay pumasok kami sa university para alamin ang mga dapat gawin sa pag-o-OJT namin. Nagulat pa nga ako nang malaman na ang iba ay nakahanap na ng kompanyang pag-o-OJT-han nila.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, mag-apply na tayo!" paninisi sa akin ni JC nang malaman n'yang kalahati na ng klase namin ang natanggap at makakapagsimula na. "Baka maunahan pa tayo ro'n!"

"Hindi naman tayo pwedeng basta na lang kumilos nang hindi natin alam ang gagawin!" I hissed. "Isa pa, journalism students tayo. Baka hindi pwedeng sa law firm tayo mag-OJT dahil wala naman 'yong kinalaman sa pagiging journalist!"

"Pwede 'yan!" sagot ni JC na naiinis na sa akin.

Magsasalita na sana ako para kumontra pero nagulat ako nang magtaas s'ya ng kamay at kinuha ang atensiyon ng professor naming busy sa pagsasalita sa harap. Mrs. Garcia stopped and regarded him.

"Yes?" she asked, acknowledging JC's possible concern.

"Ma'am, pwede ba kami sa law firm mag-OJT? Plano po kasi namin nitong si AJ na mag-law school kapag naka-graduate na kami."

"Law firm?" Mrs. Garcia asked.

JC nodded. "Yes, Ma'am. Bale pre-law course namin 'tong Journalism.

Tinitigan kami ni Mrs. Garcia. Palihim kong kinukurot si JC sa tagiliran n'ya dahil napunta na sa amin ang atensiyon ng buong klase.

Nakakainis! Pwede naman s'yang lumapit at kausapin si Ma'am mamaya, hindi 'yung iistorbohin n'ya sa pagsassalita sa harap! Ayan tuloy, nasa amin nang lahat ang atensiyon. At talagang in-announce n'ya pa ang mga plano namin!

Sigurado na akong tatanggi si Mrs. Garcia. Ang alam ko kasi ay kaya requirements ang pag-o-OJT sa graduation ay para magkaroon ng experience ang mga estudyante kung anong trabaho ang kursong kinukuha nila. And if they're lucky, the company might absorb them once they've graduated.

Pero wala namang kinalaman ang magiging trabaho namin sa loob ng law firm sa pagiging journalist. Kung law-to-journalism ay pwede pa dahil kailangang matuto ang mga lawyer for public speaking, kaya nga ito ang kinuha kong kurso for pre-law. Pero ang journalism-to-law, hindi ko makitaan ng koneksyon.

Kaya naman nagulat ako nang tumango si Ma'am nang mga ilang minuto s'yang nag-isip.

"If this is your chance to learn before going to law school, then it's okay," sabi ni Mrs. Garcia. "Kayo naman ang bahala kung saan n'yo gustong mag-OJT. It's not necessarily needed to have a connection about journalism. Basta roon kayo kung saan n'yo magagamit ang mga natutunan ninyo."

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon