Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 9

145K 6.4K 2.5K
                                    

Marahas akong napabuga ng hininga para sana alisin ang kaba sa dibdib ko. Nakatulong din naman iyon kahit papaano pero kapag naiisip ko kung ano'ng mangyayari mamaya ay bumabalik ang kaba ko.

Ngayon ang unang araw ko sa OJT. I should be excited for this new chapter of my life. After attending school over the years, mararanasan ko na rin kahit ang kaunting pagbabago sa buhay ko. I will have a new experience and a new chance to learn more.

Pero hindi ko pa ring maiwasan ang kabahan. At sa tingin ko ay ganito rin naman ang nararamdaman ng lahat ng tao. They are excited to try new things, yet the fright is still there. Pangangamba dahil sa mga bagay na bago para sa atin. Pangangamba dahil hindi natin alam kung ano'ng maidudulot nito sa ating buhay.

I was like that when Mom and Dad adopted me. Naaalala ko pa noon ang takot sa dibdib ko, takot na humakbang sa loob ng mansyon, papasok sa bagong buhay na nakalaan para sa akin. Pero sa kabila ng takot ko ay humakbang pa rin ako. At iyon ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko pinagsisisihan.

Kung hindi ako humakbang, kung hindi ko nilabanan ang takot ko, hindi ko mararanasan ang pagmamahal na ibinibigay sa akin nina Mommy at Daddy. Hindi siguro ako magkakaroon pa ng lakas ng loob na lumaban sa buhay pagkatapos ng nangyari sa mga magulang ko, pagkatapos ng lahat ng mga naranasan ko.

And that only proves that people should start fighting their own fear. Hindi dapat magpakain sa takot ang mga tao. They should gather their courage and stop being afraid to try new things in their life.

'Cause it's better to say that you did everything instead of having regrets in the end.

Muli akong nagpakawala ng marahas na buntonghininga. Inayos ko ang coat na suot ko at tiningnan ang sarili sa full-length mirror.

I was wearing a deep green tube dress at ang haba ay umabot hanggang itaas ng tuhod. It was a plain body-hugging satin dress. Pinatungan ko na lang ng puting coat at isinara ang butones sa gitna to make it look formal.

I stared at my face to check my makeup at sinigurong hindi ako magmumukhang pupunta sa isang party instead sa OJT ko.

I only put a natural makeup, 'yong hindi masyadong halata. My black almond-shaped eyes were emphasized with a winged liner I did. Hindi masyadong makapal ang mga pilikmata ko so I had to put a mascara on. I have a small and pointed nose, reddish pouty lips, and a heart-shaped face. Hinayaan ko lang na nakalugay ang tuwid kong buhok na hanggang dibdib ko.

I guess... I looked presentable now.

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto at saktong paglingon ko ay bumukas iyon. Sumilip muna si Mommy and when she saw me, she smiled before she entered the room.

"Nasa baba na si Johann," she said.

Napatingin ako sa relong pangbisig ko. It's still six-thirty in the morning. Thirty minutes lang ang biyahe namin papunta sa law firm. Hindi naman halatang excited si JC.

"Masyado s'yang excited," nasabi ko na ikinatawa ni Mommy.

"He really idolizes Attorney Villaraza," sabi ni Mom at lumapit sa akin. Inayos n'ya ang collar ng suot kong coat. "You grew up beautifully, Amara Jean."

Napasimangot ako. "Hindi ka mag-i-speech ngayon, Mom."

She laughed. "Don't worry, I won't." Iniipit n'ya ang buhok na tumatakip sa mukha ko sa likod ng tainga ko. "I just can't believe that you're an adult now. Parang kahapon lang noong unang tapak mo rito sa loob ng bahay."

Pinili ko na lang ang huwag nang magsalita. I was too soft when it comes to her, sa mga magulang ko. Hindi s'ya tumigil noon sa kakasuyo sa akin hanggang sa buksan ko ang pinto sa buhay ko para sa kanila. Mom really did her best so I could feel parental love.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Commander, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Commander
@HiroYuu101
Hoping to clear her late father's name, Amara Jean Abella decides to...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 63 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @HiroYuu101.
Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon