Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 4

143K 5.8K 1.9K
                                    

Isang buwan na lang at matatapos na ang first semester. Pagkatapos ng semester break ay ang second semester naman and that meant that we'll be having our on-the-job training as our requirement for our graduation. Limang units ang kakainin n'on at ang nag-iisang subject na lang namin for the second semester.

Kaya rin siguro itinatapon na sa amin lahat ngayon ang mga kailangan naming malaman tungkol sa kursong ito. Tambak ang research at mga assignment namin kaya naman panay ang reklamo sa akin ni JC sa bawat prof na nagbibigay sa amin ng mga dapat naming gawin. Nakakarindi na nga. 'Di ko lang masaway dahil mas maglilintanya lang s'ya kapag pinansin ko pa.

"Hindi ba pwedeng pahinga na?" sabi pa ni JC pagkalabas ng huling prof namin para sa araw na 'yon.

I was fixing my bag at s'ya ay nakatayo na sa harapan ko, hinihintay na lang akong matapos.

"Grabe makatambak ng assignments, e, may final exam pa kaya tayo!" he continued whining.

Natawa ako habang isinasara ang bag ko. "Parang hindi ka mag-aabogado, a? Mas madami pa r'yan ang gagawin mo kapag naging lawyer ka na."

"Bakit? Lawyer na ba ko?" he reasoned out. Pinigilan ko ang sarili kong saktan s'ya. "Next sem, halos hindi na tayo pupunta tito sa university dahil OJT na tayo no'n."

"We will still go here to report about what's happening with our training," sabi ko at tumayo na.

"Isang buwan ko na lang mararamdaman na estudyante ako," sabi n'yang parang hindi narinig ang huling sinabi ko. He hung his head low. Para talaga s'yang mukhang aping-api.

I rolled my eyes and paid him no attention. Nagsimula na akong maglakad palabas ng room. Sumunod naman si JC sa akin, gaya ng palagi n'yang ginagawa.

Masyadong overreacting si JC para sa akin. Alam ko naman kung bakit ginagawa ito ng mga prof, para maging handa kami sa panibagong yugto ng buhay namin. Para hindi kami masyadong mabigla kapag nagtatrabaho na kami. 'Cause I know, for sure, mas higit pa sa mga requirement at assignment na 'to ang mga trabahong matatambak sa amin.

That's why I tried to understand the professors' point of view as much as possible. Oo at gusto ko ring magreklamo dahil halos sunod-sunod nga ang pagbibigay ng requirements sa bawat subject pero sinasarili ko na lang ang pagrereklamo ko. Wala rin namang maitutulong sa akin ang pagrereklamo. Hindi naman matatapos n'on ang mga gawain ko.

But JC was a whiner. Sa bawat assignment o requirement na ibibigay sa amin ay palagi s'yang may nasasabi. Para namang gumagawa s'ya, e, madalas pa nga ay nangongopya lang s'ya. Kung hindi s'ya makapangopya sa akin ay sa ibang kaklase naman namin na willing ipakopya lahat sa kanya lalo na ang mga babae.

At overreacting nga talaga si JC. Dahil after naman naming maka-graduate rito ay kailangan pa namin pumasok sa law school. Estudyante pa rin kami.

"They were once students too, right? It means that they know what we feel, and they have an idea about our sentiments," he said as he opened the car's back door. Inihagis n'ya ang bag n'ya sa likod bago ako pinagbuksan ng pinto sa may passenger side.

"Yes, kaya nga rin alam nila kung ano'ng gagawin para ihanda tayo," sabi ko nang makapasok s'ya at umupo sa may driver's seat.

"O kaya mag-usap-usap na lang sila. Iba-iba ang magbibigay ng requirements sa bawat linggo. Hindi 'yung sabay-sabay pa talaga sila." He started the engine. Napatigil s'ya at tumingin sa akin. "Baka pinag-uusapan talaga nilang sabay-sabay silang magbibigay ng mga requirement para pahirapan tayo?"

Natawa ako. Seryoso kasi ang itsura n'ya habang sinasabi iyon. Marahan kong iniharap ang mukha n'ya sa harapan ng sasakyan.

"Alam mo, para kang tanga," I said and chuckled. "Tara na. Gusto ko nang umuwi."

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon