Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 5

147K 6.3K 3.8K
                                    

I put the flower on my mother's grave. Hinawi ko ang ilang mga tuyong dahon na nilipad sa may lapida n'ya. Her grave was clean. And I knew that Dad and Mom were taking care of my parents' grave.

Today is the anniversary of my mother's death. It's already been over a decade, thirteen years to be exact, since she left me. Pero malinaw pa rin sa alaala ko ang mga panahong kasama ko s'ya. Malinaw pa rin sa akin kung gaano s'ya naghirap sa pagtataguyod ng pamilya namin na s'ya lang mag-isa kahit na ang mga tao ay kinukutya s'ya sa nangyari kay Papa.

Tiningnan ko ang katabi n'yang puntod. There, I saw my father's name. Magkatabi silang inilibing sa sementeryong iyon.

Hindi pa rin nawawala sa dibdib ko ang sakit dahil sa nangyari sa pamilya namin. Hindi ko sigurado kung mawawala pa ba iyon o kung makakalimutan ko pa ba ang bangungot na dumaan sa buhay ko. What happened already put a scar in my heart.

Or maybe, someday, I will. Hindi ko man makalimutan ang mga nangyari pero siguro mawawala ang sakit kung malilinis ko ang pangalan ni Papa. If I can prove to the court that he's innocent, then maybe... I could finally move on.

I stared at my parents' graves. Hanggang ngayon ay awang-awa pa rin ako sa nangyari sa kanila. They didn't deserve anything that happened to them. Naging mabuti silang mga magulang para sa akin. Ibinigay nila ang lahat ng mga kailangan ko. Hindi ko kailanman naramdaman ang pagkagutom dahil sinisiguro nila na naaalagaan nila akong mabuti.

They were the best parents, pero bakit kailangang ganoon ang mangayri sa kanila?

Napabuntonghininga ako. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang mga hibla ng buhok na tumakas nang banayad na umihip ang hangin. That wind felt like it's comforting me. Hindi ko tuloy naiwasan ang pangingilid ng luha sa mga mata ko nang maisip ang mga magulang ko.

Maybe, they were still watching me, wherever they were.

Hindi man naging maganda ang huling sandali nila rito sa mundo, alam kong magkasama na sila ngayon, kung nasaan man sila at binabantayan ako. I know, dahil ganoon sila. Hinding-hindi nila ako pinabayaan noong nabubuhay pa sila. At kahit ngayong wala na sila ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal nila para sa akin.

I took a deep breath. Pumikit ako at umusal ng tahimik na panalangin at pasasalamat para sa kanila.

I was thanking them dahil kahit na sabay nila akong iniwan ay hindi naman nila hinayaang maiwan akong nag-iisa at maging miserable. They left me with the Abellas who have been so good to me. Naging pangalawang mga magulang ko sila. Tinupad nila ang pangako nilang hindi nila pipilitin na palitan ang totoo kong mga magulang sa puso ko. Hindi nila hinayaang makalimutan ko ang mga magulang ko.

They celebrated every of their birthdays and death anniversaries with me. Hindi nila ako hinayaang nag-iisa sa mga araw na iyon.

I was so glad to have a second family in them.

Dumilat ako at tiningnan ang relo ko. Nauna na sina Mommy at Daddy sa kotse para bigyan ako ng sarili kong oras na kausapin ang mga magulang ko. Hindi ko inaasahan na magtatagal din ako ng halos tatlumpung minuto sa pagkausap sa kanila.

I sighed. I looked at their names for the last time today before I turned my back and started walking to where Mom and Dad were.

Hindi pa man ako nakakalapit kung saan ipinarada nina Mom and Dad ang kotse ay nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa isang puno hindi kalayuan sa puntod ng mga magulang ko. Napasimangot ako pero maya-maya ay napangiti rin nang lumapit sa kanya.

"Bakit dito ka naghintay?" tanong ko kay JC. My gut told me na hindi s'ya sumama kina Mom and Dad na bumalik sa sasakyan at dito na lang naghintay sa akin. He might've been watching me habang kausap ko ang mga magulang ko.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon