Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 3

143K 5.7K 1.5K
                                    

Papa got cremated ilang araw matapos lang din ang burol n'ya. My Dad decided to cremate him immediately dahil masyado na ngang pinagkakaguluhan ng mga reporter na hindi marunong rumespeto ang burol ni Papa. At kahit nang mailibing, wala man lang ni isa sa mga kamag-anak namin ang dumalaw sa kanya.

My own relatives abandoned me. Natakot siguro na baka dumugin din sila ng mga reporter kapag nalaman ang koneksyon nila kay Papa. They were afraid that the people will judge them too just because they were connected with my father by blood. Ganoon naman ang mga tao. Mga mapanghusga.

Hindi na rin ako nagtanim ng galit sa kanila. Naiintindihan ko naman ang mga inaalala nila. Kung mararanasan lang din nila ang mga naranasan namin ni Mama dahil pamilya nila si Papa, ayos lang sa akin kung hindi na sila dumalaw sa burol o makipaglibing. Lalo pa at maraming mga reporter ang sumusunod sa bawat galaw namin.

Ilang linggo matapos mailibing ni Papa, unti-unting nababawasan ang mga reporter na gustong makakuha ng interview mula sa akin. Kahit na nangako silang hindi tatagal ng isang minuto ang exposure ko sa balita at tatakpan naman daw ang mukha ko for my privacy, hindi pa rin ako pumayag.

Hindi ko kailangang magpaliwanag sa sa kanila. Sa mga taong ang nais lang ay makuha ang gusto nila. Ang gusto ko lang gawin ay mapawalang-sala si Papa at mapatunayan sa korte na inosente s'yang tao. Para sana makalaya s'ya at magkasama kaming muli.

But that won't happen anymore. Wala na si Papa. Mas pinili n'ya ang iwan ako dahil ang akala n'ya ay masisira ang buhay ko dahil sa kanya. Na sisirain ko ang mga pangarap ko dahil sa kagustuhan kong mapawalang-sala s'ya.

Nawalan s'ya ng pag-asa. Hindi na n'ya sinubukang lumaban pa ulit kahit na alam n'ya sa sarili n'yang wala talaga s'yang kasalanan. He gave up for me. So I could live as another person and not as the murderer's daughter.

Ngayon ko tuloy naisip, nang pumayag kaya s'yang ipaampon ako sa mga Abella, naisip na n'ya kaya no'ng mga panahon na 'yon na sumuko? That he'll leave me soon kaya iniwan n'ya ako sa mga Abella para may mag-alaga sa akin?

Ginusto kong ipagtanggol si Papa, pero wala na akong magawa ngayong s'ya na mismo ang sumuko.

Dahil sa nangyari ay nawalan na ako ng ganang mag-aral. Pumapasok pa rin ako sa school pero palagi lang akong nakatulala. Hindi ko na sinubukang sagutan ang bawat quiz at test na ibinibigay sa amin. Palaging blangkong papel lang ang mga ipinapasa ko.

So the school called my parents. Si Mommy lang ang dumating dahil abala si Daddy sa bagong kasong hinahawakan n'ya.

"Mrs. Abella, are you aware what Amara Jean has been doing in class?" the principal asked. Nakatayo sa tabi n'ya ang homeroom teacher ko para kausapin nila si Mommy.

I saw Mom glance at me. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. Wala akong balak na ipagtanggol ang sarili ko. Ayoko na naman nang mag-aral.

My mom reached for my hand and squeezed it. Magkaharap kaming nakaupo sa upuan na nasa harap ng office table ng principal na nandito sa loob ng opisina n'ya.

"I... I don't, Ma'am. May problema ho ba?" malumanay ang boses na tanong ni Mommy.

Naramdaman ko ang pinong sakit sa dibdib ko nang marinig ang tanong n'ya. Her voice was so soft. Mukhang hindi galit kahit pa ipinatawag nang dahil sa akin. Na hindi naman talaga s'ya papupuntahin ng principal dito para makausap kung wala talagang problema sa akin.

"Her grades are dropping," the principal said. "Matataas ang mga grado n'ya kaya naman nag-aalala kami ngayong sobrang laki ng ibinaba ng grades n'ya. Hindi na rin daw ho s'ya sumasagot sa mga recitation at madalas ay tulala. May problema ho ba kayo sa bahay? Baka kasi naaapektuhan ang bata."

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon