Flaw #7

15 3 0
                                    

MY lips parted as I look for words to say. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya lalo na ngayong matalim na ang mga tinging ipinupukol niya sa akin.

"Don't try to deny it. Kahit sina Kat ay napapansin ang pag-iwas mo, Teagan," mariing putol ni Paige sa akmang pagtanggi ko sa paratang niya.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa mga librong dala. I wasn't ready for this confrontation yet. Ang akala ko kasi ay kung didistansya ako ay mare-realize ko na confuse lang talaga ako.

Na hindi ko talaga gusto si Paige . . . romantically.

But what did I get from staying away for almost two weeks? Nothing. Kung mayroon man ay ang katotohanan na I keep craving for her presence.

"Are you still going on about that issue with Rookie? We already talked about that, Teagan. I promised not to do it again, didn't I?" problemado niyang tanong sa akin na tinanguan ko. "Then, what's your problem?"

I looked around for a bit, silently hoping to see anything or anyone that could distract her away from this conversation but there is none. The whole coast were clear as if sinadya ng lahat na maiwan kaming dalawa sa may locker area para makapag-usap ng maayos.

Its not even class time yet kaya naman napaka-imposibleng walang katao-tao ngayon sa corridor!

I heaved out a heavy sigh, giving up to the idea of being saved from this conversation. Pero hindi ko parin alam kung paano siya sasagutin. I can't just say na umiiwas ako sa kanya dahil sa tingin ko ay nagugustuhan ko na siya more than friends should, right? That would be terribly awkward!

"Teagan," she called out pulling my books away from me and putting them inside my open locker.

"I . . . just feel . . ." I gulped three more times as I struggled to pull out words to say to her. "I just felt like I was being left out." Nakapikit kong dagdag.

Ilang segundo siyang tahimik at walang imik kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko to check for her reaction. Naabutan ko ang kunot na kunot niyang noo habang nakatingin sa sahig.

I wanted to slap myself for thinking how cute she is having that confused expression at this time. I'm probably really going crazy!

"You feel . . . left out? Bakit?" she asked, still confused.

I'm never a fan of lying. But if lying is the only way to hide my embarrassing truth? I'm willing to sold my soul to the devil just to make her believe it.

"You . . . you've been spending more and more time with the others lately." Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang tahimik na iniuusal ang mga paumanhin sa mga kaibigan kong naidadamay ko sa kasinungalingang ito.

Nanunuyo ang lalamunan ko kasabay nang pagsugod sa akin ng konsensya dala ng pagsisinungaling. But I have no choice but to do this kung ayaw kong gawing mas komplikado ang sitwasyon.

Paige clipped the fallen strands of her hair behind her ear before she stood properly in front of me. Taka kong pinanood ang muling pagkuha niya ng mga libro ko mula sa locker.

"There's no reason to fret over that, Tegs." Kumunot ang noo ko nang biglang lumambing ang tono ng boses niya nang muli siyang magsalita.

Nanliit ang mga mata ko habang pinapanood siyang isara ang locker ko after asking me if may kukunin pa ba ako. What is she up to this time?

"PAIGE, kaya ko na," pigil ko sa sunod-sunod na paglalagay niya ng pagkain sa pinggan ko. Nagkapalitan kami ng tingin nina Kat pero nginisihan lamang ako ng mga ito, probably happy about having to succeed on their plan na pagbatiin kami ni Paige.

"I'll get you some drinks, anong gusto mo?" Mariin kong naipikit ang mga mata ko bago siya sinagot para matapos na ang problema ko.

Sabay naming pinanood ni Kat na maglakad si Paige pabalik sa order area ng cafeteria bago ko naramdaman ang mahinang pagsiko ng kaibigan ko. "Bati na kayo?" pabulong niyang tanong.

"Nag-away ba kami?" maang-maangan kong tanong pabalik na inirapan ni Kat.

"Well, atleast hindi na kami ang mapapagbuntunan ng init ng ulo niya sa tuwing hindi mo pinapansin. Ano ba kasing trip mo? Was it still because of that issue with Rookie?" she probed.

I sighed and just focused on my meal, silently listening to Kat's rattling. "Pero infairness ha? Sinapak niya talaga si Rookie? Eh ang laking tao n'on!"

"Kat, lower down your voice," suway ko nang makita ang ilang mga kasamahan sa varsity ni Rookie na napatingin sa table namin.

"Bakit ba? Totoo naman eh! Serves him right! Paige really do him dirty this time!" halakhak niya, hindi pinapansin ang mga kaibigan ng taong pinag-uusapan niya na masama na ang tingin sa amin. "Kidding aside, bakit mo naman inaway 'yong tao? She just wanted to protect you lang naman eh!"

Hindi na 'ko sumagot pa at hinayaan na lamang siyang mangulit. A few moments later I felt Paige occupied the seat next to me, hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang ilapag sa harapan ko ang bote ng pocari sweat na binili niya for me.

"YOU'RE being too extra today, Paige," reklamo ko habang naglalakad na kami palabas ng school. She insists on sending me off to my car kahit na sinabi kong huwag na.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya natigilan rin ako at napabaling sa gilid ko para tignan siya. I found her staring at me intently, it was as if she was trying to read whatever's running inside my mind.

And God knows how afraid I am that she would succeed. Pakiramdam ko ay masyado akong obvious at transparent pagdating sa kanya. Nakapagtataka na nga rin lang na hanggang ngayon ay hindi niya pa nahahalata ang feelings ko for her gayong I'm pretty sure that my eyes would always betray me.

"Promise me that you'll never do that again," out of the blue niyang sabi na nagpa-kunot ng noo ko.

"Do what?"

"Avoiding me."

"I told you—"

"I'll try not to do things that upsets you. I promise not to make you feel left out once again." Nakaawang lang ang mga labi ko habang nakikinig sa kanya. "But you should promise me too. Na hindi mo na ulit ako iiwasan."

"Paige . . ."

"You're important to me, Teagan. You have no idea how much I care for you. So please? Save me from the misery. If we have a problem, say it. Directly to me."

You're so dead, Teagan. Bulong ng isip ko nang maramdaman ko ang mabilis na pag-asa ng puso ko na baka . . . baka lang naman, kahit papaano ay may feelings rin si Paige para sa akin.

Feelings that may go beyond the perfect friendship everyone thinks we have.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt