Flaw #10

18 1 0
                                    

"PAIGE, ayaw mo daw ng party for your birthday?" kunot na kunot ang noo ni Kat nang itanong iyon habang nagpapahinga kami pagkatapos kumain ng lunch.

"May party pa rin naman, Kat," paglilinaw ko sa kanya pero mukhang mas naguluhan pa siya roon.

"But Tita told us na ayaw mong magpa-party!"

"Ayaw ko lang ng engrande," paglilinaw ko habang abala ang mga kamay sa paglalagay ng tamang shading sa new design na dino-drawing ko.

"Ayaw mo ng engrande?" OA na ulit ni Kat na tila ba napaka-offending na manggaling sa akin iyon.

I laughed at her reaction.

"Pajama party, Kat. Tayo-tayo lang," baling ko sa kanya bago tuluyang isinara ang sketchpad ko.

"Well, that sounds good too." Kumbinsidong usal nito sa sarili bago ipinahinga ang kanyang ulo sa aking balikat.

Hindi ko man sadya ay nahanap ko ang sariling kinukumpara ang paraan ng pagwawala ng aking puso sa tuwing si Paige ang gagawa ng ginawa ni Kat. If this was Paige, malamang ay naghahabol na ako ng hininga.

Being with her is really enjoying, but my heartbeats are a bit suffocating. Para bang sa bawat tibok na ginagawa nito ay pilit na pinapaalala sa akin na hindi ako normal . . . that I like my friend more than I should.

"Sino bang invited?" tanong ni Kat habang nilalaro ang dulo ng kanyang buhok.

"The girls. You, Rhea, Shai, Paige, and the others too if they're free." Tumango siya sa sinabi ko at mag-isa nang nagplano ng mga activities na pu-pwede naming gawin sa bahay on my birthday.

A pajama party is what I wanted to have for this year. I already got tired of socializing among the people in a grand and expensive parties na madalas i-held nina Mommy for me. I wanted this year to be simple and yet memorable.

That's why I wanted to spend it with people I really do care about. And that's my friends.

Mommy as always just let me push through it, she's currently busy preparing for the things we might need for that party kahit na ilang linggo pa naman bago iyon sumapit.

"Nasa'n pala si Paige?" tanong nito kasabay ng pag-aalis ng kanyang ulo sa balikat ko at pag-ikot ng tingin niya sa paligid.

"Pinatawag ni Ma'am Lala kanina," sagot ko na nagpatango kay Kat.

"Ano kayang feeling maging pamangkin ng principal?" humahagikhik niyang tanong na tinawanan ko lang rin.

"Sagabal." Sabay kaming napabaling ng tingin kay Paige na bigla lamang sumagot bago siya pabagsak na umupo sa aking tabi.

Bumuga siya ng hangin na tila ba pagod na pagod bago ako binalingan with her bored eyes.

"Alis tayo? I'm so bored." Tinulak ko palayo ang mukha niya at tumawa. Umiiral na naman ang pagka-bad influence ng isang 'to!

"Three subs na lang naman, Paige. Uwian na," ani ko sa kanya pero ngumuso lang siya at ginawang unan ang hita ko.

"Pinagalitan ka?" Kat asked curiously.

"Nope." Tipid na sagot ni Paige.

"Eh bakit ka pinatawag?" tanong ko habang hinahawi ang buhok na tumatabon sa kanyang mukha.

"To give me this," ani nito kasabay ng pag-dukot ng kung ano mula sa kanyang bulsa. Nang kunin ko iyon mula sa kanya ay sabay naming tinignan ni Kat kung ano iyon.

You're Invited!
Teagan's 19th Birthday

Halos mamilog ang mga mata ko kasabay ng pagtakas ng halakhak ni Kat nang makita ang kulay peach na glittery paper kung saan nakalagay ang pangalan ko at ni Paige sa ibaba.

Hinayaan kong kunin ng tumatawang si Kat ang invitation habang hiyang-hiya kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko.

Mom!

"Please tell me na ikaw lang ang binigyan ng ganito ni Mommy?" halos nagmamakaawa kong tanong sa kanya. Paige chuckled before she pulled herself up to sit properly beside me.

"I guessed? Since it's a close party, pili lang nabigyan or bibigyan?" pabalik rin nitong tanong sa'kin.

Kat was still laughing her ass off beside us, hindi mapermi ang sarili dahil sa tila pangbatang design ng invitation.

"I know Tita treats you as their princess. But Tegs, this is a whole new level!" mamatay-matay sa tawang puna niya habang tinuturo ang edited picture ko na nakasuot ng isang unicorn onesie.

"You're still cute though," puri ni Paige nang muling maagaw kay Kat ang invitation. Naramdaman ko ang pamumula ng magakabila kong pisngi. Ganoon pa lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang pag-iinit ng mukha ko!

"HAPPY birthday, Teagan!" Kat greeted cheerfully as she opened her arms widely in front of me, waiting for an embrace.

Tawang-tawa ako habang nakikiliti ng balahibo ng fabric ng suot niya monkey-inspired onesie ang pisngi ko nang yakapin ko siya pabalik. Nagpasalamat ako sa pagdalo niya at sa regalong ini-abot niya sa akin.

Itinuro ko siyang dumiretso sa kwarto ko dahil nandoon naman na ang iba pa naming kaibigan.

They're almost complete.

Pero wala pa si Paige. She promised me she would come, pero kanina pa lumampas ang oras na nakasulat sa invitation na ginawa ni Mommy pero hanggang ngayon ay wala pa siya.

I was about to go to my room na to entertain my friends nang may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran. Sa pamilyar na pabango at pagwawala pa lamang ng puso ko ay sigurado na ako kung sino ito kahit na hindi ko pa lingunin.

"Sorry, first time kong mag-drive papunta dito. Totally got lost along the way." Umikot ako paharap sa kanya para sana sermunan siya but then I was once again, mesmerized with her ethereal beauty.

She's wearing a plain black onesie pajamas. Her hair in her usual high ponytail and few strands of her hair lingered on each sides of her face.

She was breathtakingly beautiful.

"Happy birthday," bulong niya sa may tainga ko nang muli niya akong yakapin.

"Hey! Tara na dito! The drinks are here na!" tawag ni Kat sa pansin namin mula sa staircase.

Natatawa kaming bumitaw ni Paige sa isa't isa. "Tara na," aya ko sa kanya.

Akma na akong aakyat para sumunod sa kanila sa taas nang may maramdaman akong kung anong malamig sa palapulsuhan ko. Napalingon ako kay Paige na nakangiti lamang na pinasok ang dalawa niyang kamay sa malaking bulsa sa may tiyang bahagi ng damit na suot niya. And then I look down at the cold thing around my wrist.

Mayroong golden bangle bracelet na nakapalibot sa palapulsuhon ko. Sa magkabilang dulo nito ay dalawang hugis puso.

It was . . . Beautiful.

"Ang . . . ganda, Paige." Nag-angat ako ng tingin sa kanya, my heart already swelling with too much happiness.

It felt like this night would be perfect. I have my friends here, my family, and I have her here.

I have Paige here to celebrate my birth.

What else can ruin my day when everyone I love is present?

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon