Flaw #4

18 1 0
                                    

"TEAGAN? You okay?" I smiled at her as I accept the cocktail drink she got for me. Kunot ang noo niya kasabay nang pag-upo sa aking tabi habang hawak ang sariling drink.

Naagaw ng studded high-heeled boots niya ang aking pansin nang mag-cross legs siya sa aking tabi. Ngumuso ako bago muling sumimsim sa drinks na inabot niya habang nananatili doon ang tingin.

"You won't join them?" tanong niya kasabay nang pag-nguso sa group of friends naming nag-gigitgitan sa may dancefloor kasama ang iba pang estudyante.

I shook my head and rested my head on her shoulder. Ramdam ko ang makapal at malamig na fabric ng leather jacket na suot niya.

"Bakit? You tired?" she asked in a soft tone.

Lately ay napapansin ko rin iyon. Gone were her cold eyes that used to pierced through me everytime. Nabawasan rin ang pagiging sarkastiko nitong kausap, dumalas ang kanyang pag-ngiti. Turns out our cold girl was actually a warm and caring one. Maski sina Kat ay natutuwa sa kanya at mabilis ring napalapit sa kanya.

"Nope. Wala lang sa mood. Mamaya na lang." We silently watched the crowd go wild. Natatawa pa kami minsan dahil sa mga lasing na estudyanteng tila nawawala na sa sarili at halos mailampaso na sa dancefloor.

Sabay kaming napatingala nang biglang may humarang sa aming harapan. When we looked up we saw Rookie, iyong captain ng basketball varsity. He had his slightly long hair tied back in a knot, his casual white v-neck shirt hugs his muscled body firmly, para bang sinadya niyang iyon ang isuot para ipangalandakang malaki ang kanyang katawan.

"What's your problem?" mataray na tanong ni Paige kay Rookie. Naramdaman ko ang malambot niyang mga kamay na pumalibot sa aking bewang habang pasimple akong hinila palapit sa kanya.

"Feisty natin ah? Sorry but mas gusto ko iyong mga goody good girls," nakangising sagot ni Rookie kasabay ng pagkindat nito sa akin. "Right, Teagan?" His deep voice was laced with boastfulness, as if kailangan ko pang magpasalamat dahil sa atensyong binibigay niya sa 'kin.

I felt Paige's arms tightened around my waist before she chuckled mockingly. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mukha. Ang mga singkit niyang mata ay matalim na nakatitig kay Rookie, mapang-hamon ang mga iyon. Hindi rin nakatulong ang dark make-up na suot niya ngayon na mas lalong nagpatapang sa kanyang mukha.

"Paige . . ." awat ko sa kanya kasabay nang bahagya kong pagtayo para hanapin ang iba pa naming kaibigan. I was hoping they could help us in case magkagulo nga si Rookie at Paige.

Sinabayan ni Paige ang aking pag-tayo. Ngayon ay magkatabi na kaming nakatayo sa harapan ni Rookie, but then, he's not the captain of the varsity for nothing. Standing 6'3 ft. Tall, hanggang balikat niya lamang ang naabot ko at hanggang sa may bandang baba naman niya si Paige.

If ever magkagulo nga ang dalawa ay siguradong dehado kami. Not to mention our heights, higit na mas malakas siya sa aming dalawa ni Paige.

"Look elsewhere for your goody girls, asshole." Mabilis kong hinila palayo si Paige kay Rookie nang bumakas na sa mukha ng lalaki ang inis.

"Bakit ka ba nakikialam dito?" kunot ang noong tanong ni Rookie.

Paige smirked evilly at pilit paring humahakbang palapit kay Rookie kahit na pilit ko silang pinaglalayong dalawa. "You ruined our view, asshole!"

"Paige, tama na!" patuloy kong awat sa kanya but her eyes were allover Rookie na namumula na ngayon sa inis at pagkapahiya dahil sa mga insultong pinagsasabi ni Paige.

Before I knew it, I saw Rookie raise his hand in the air and without any hesitation, I stood in front of Paige to cover her for what was about to come next.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Where stories live. Discover now