Flaw #8

16 1 0
                                    

Paige's fingers softly maneuvered around my hair. She offered to style it for me today. I was seated in front of her as she leans her back on the body of the huge tree behind her.

I chuckled softly as I heard her tsked when a strong gust of wind make some of my hair fly away from her grasp.

"I'm really bad at this," she hissed.

"Practice makes perfect. Patience lang kasi, makukuha mo rin 'yan!" pagpapalakas ko ng loob niya habang tahimik na binabasa ng aking mga mata ang bawat salita na nakasulat sa librong binabasa ko.

"You say that because you know how to do everything."

Napasinghap ako dahil sa narinig. Maingay kong isinara ang librong binabasa at iginilid ang ulo kahit na narinig ko ang kanyang mga protesta dahil doon.

"What was that supposed to mean?!" kunwari ay pikon kong tanong.

Umiling lamang siya bago marahang ibinalik sa pwesto ang ulo ko para bumalik sa ginagawa niyang pagtitirintas. Paige's good with dresses and make-up but I laughed out loud knowing one of her weakness and the core reason why her hair is always tied up on a high ponytail.

She sucks at styling hairs.

Ilang araw ko na siyang tinuturuang magtirintas but she's really having a hard time on it. Basic braid pa lang iyon ha? Ano pa kaya kung turuan ko na siya ng mga styles?

Rinig namin 'di kalayuan sa pwesto naming dalawa ang pag-aasaran at tawanan nina Kat habang naghahabulan sila sa gitna ng field. It was our vacant time and nag-decide kami na tumambay muna rito para maiba naman.

Paige was so engrossed on my hair na hindi niya napansin ang bolang papunta sa direction namin.

"Teagan!" sigawan ng mga soccer players na naglalaro. Mabilis akong naalerto at hinila si Paige para iwasan ang paparating na bola.

Sabay kaming bumagsak sa damuhan, naramdaman ko ang hangin na dala ng bolang muntik nang tumama sa amin. Sandali kong nilingon ang mga kaibigan naming nagtatakbuhan na palapit sa amin bago ibinaling ang atensyon kay Paige.

Umawang ang mga labi ko nang ma-realize ang gahiblang distansya sa pagitan naming dalawa. I can already feel her minty breath fanning my face a bit. Muli na namang nanumbalik ang mabibilis na tibok ng puso ko.

My heart racing as my eyes slowly glided away from her lips up to her eyes. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin rin siya sa mga labi ko.

What . . . what are you looking at, Paige?

Gustong-gusto ko iyong itanong sa kanya. But I don't have enough courage to even open my mouth to speak. Tanging ang pag-lunok lang ng malaking bikig sa lalamunan ko ang nakaya kong gawin bago ko naramadaman ang mga kamay ng mga kaibigan namin na inaalalayan kami sa pagtayo.

"Ingat naman mga pre!" iritadong singhal ni Julius sa mga players na paulit-ulit na humingi ng sorry sa amin ni Paige.

"Aw!" I flinched as soon as I felt a sharp pain on my elbow. Mabilis akong binalingan ni Paige at nilapitan.

I hissed when I felt the same level of pain as she slowly move my right arm forward to check on it.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Shai pagkalapit.

"I think she broke her arm," paliwanag ni Paige nang hindi sila binabalingan ng tingin.

"I'm fine—oww!" Sinamaan ko siya ng tingin nang bahagya niyang pigain ang siko ko.

"I thougt you're fine?" nakataas ang kilay at nang-uuyam niyang tanong sa akin.

"I'm gonna take her to the infirmary." Baling niya sa mga kaibigan kong mabilis na sumang-ayon.

Inalalayan ako ni Paige patungo sa clinic ng school kung saan mabilis akong inasikaso ng nurse. The doctor on-duty immediately contacted my parents so that they could fetch me.

"You need to rest for now and don't nove too much," ani ng doktor.

"Teagan!" My mother hurriedly went to me to check my condition. While Daddy went to talk with the doctor.

I saw Paige watching my mom.

"Mommy, okay lang po ako." Nginitian ko si Mommy na tika nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko.

Doon niya lamang napansin si Paige na nakatayo sa may likuran niya.

"Oh, was it you brought Teagan here?"she asked softly.

"Yes, Tita. I'm Paige po." Umangat ang isa v kilay ko nang marinig ang magalang na tono niya nang magpakilala kay Mommy.

"Well then, thank you, Paige." Nakangiti si Mommy nang sabihin iyon sa kanya. Paige politely smiled back.

Nabanggit ko rin ata sa kanya noon ang tungkol kay Mommy. I can still remember the admiration in her eyes as she listen to my stories. Noon pa man ay nahalata ko nang may pagka-feminist si Paige. She was one heck of an alpha woman to begin with, kaya hindi na nakakagulat.

She's the type of woman na alam kung ano ang gusto niya. She speaks up for herself and her beliefs, never backing down to anyone as long as she knows that she's right, tulad na lamang noong nangyaring eskandalo sa pagitan nila ni Rookie noong nakaraan.

Ma'am Rara and I persuade her to apologize for hitting Rookie, ngunit matigas ang naging pagtutol niya roon at mas pinili ang mas mahabang panahon sa detention kumpara sa sinapit ni Rookie na mas piniling humingi ng sorry sa aming dalawa.

And my mom . . . is the type of woman she would admire for sure. A woman who can stand on her own feet and prove herself to the world without the help of anyone else.

"She's the friend I was talking about, My." Kumorteng bilog ang mga labi ni Mommy bago niya muling binalingan ng tingin si Paige.

"So that was you!" tuwang-tuwa niyang ani. "Ikaw iyong nanuntok ng lalaki dahil binastos daw itong baby namin?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ni Mommy. Paige cleared her throat before she flash my mom an awkward smile as her eyes met mine to ask for help.

"Mommy! Ang dami kong sinabi about her and that was the only thing that stuck with you?" ani ko kay Mommy kasabay ng marahang paghila sa kanya paupo sa gilid ng kama ko.

"Of course! She really caught my attention with that story!" Halos mapa-face slap ako dahil sa biglaang pagiging hyper ni Mommy. She suddenly attack Paige with a series of questions na kahit na anong pigil ko sa kanya ay hindi niya pinapansin.

Helpless akong napatingin kay Paige na abala parin sa pakikipag-kwentuhan kay Mommy. They really get along well, just like how I expected.

"Come'n baby! Let's eat out first tapos uwi na tayo para makapagpahinga ka," ani Daddy nang makalapit na sa'kin. His eyes automatically searched around for my mother.

A soft and small smile immediately appeared on his face when he saw my mom seated by the window, animatedly talking with Paige.

"She seems to like your friend a lot," he pointed out.

"Well, Paige's really not hard to like, Dad," sagot ko bago ko nakagat ang sariling labi.

Why the hell did I say that?! Paano kung makahalata si Daddy?!

"Well, she seems to be a lovely girl naman, anak." Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya bago niya tinawag si Mommy.

"I invited Paige to join us for lunch!" ani Mommy.

"Is it okay with you? May class pa ah?" baling ko kay Paige na tumango lang bago tinagilid ang ulo at nakangiting tinignan si Mommy.

"Tita would ask for a leave for me. Who am I to reject a free pass?" nakangisi niyang tanong na nagpailing sa akin.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ