Flaw #11

19 1 0
                                    

"MORE! More! More!" my friends cheered loudly as I chugged into a full glass of mixed drinks my parents had prepared for my friends and me tonight.

My parents were never strict with me about these things. Hinahayaan nila ako as long as alam ko ang limits ko kung kailan ako dapat na titigil. They let me attend parties and nights outs eversince I'm 16 and allowed me to drink with my friends after I turned 18.

Maingay akong napasinghap kasabay ng pagkunot ng aking noo nang maramdaman ko ang paghagod ng mainit na likido sa lalamunan ko. Mabilis kong kinagat ang lemon na nakahanda sa isang tabi para labanan ang nakalulukot sa mukhang aftertaste ng alak.

"You okay?" I looked over my shoulder and smiled at Paige who was worriedly watching me.

"I'm good with alcohol, don't worry," pabiro ko pasiyang kinindatan bago muling sumimsim sa shot ng tequila na hawak-hawak ko.

Sandali akong natigilan nang maramdaman ang isang braso niya na pumalibot sa bewang ko. Nang lingunin ko siya ay abala siya sa pakikinig sa kwento nina Rhea habang sumisimsim ng alak mula sa sariling baso.

"Teagan! Your turn!" sigawan ng mga tipsy kong kaibigan sabay abot ng tennis ball sa akin. Nakangiti ko iyong kinuha at hinarap ang hilera ng mga disposable cups na naglalaman ng beer.

Pinitik ko ang bola ng may kontroladong lakas at confident iyong pinanood na tumbahin ang mga basong nakapatong sa ibabaw ng isa pang hilira ng mga baso ng beer.

"Teagan, always the best at anything!" Kat cheered that made me chuckle. Inabot ko ang kasunod ng basong binagsakan ng bolang pinitik ko at ininom iyon.

We had been drinking for almost three hours now. Kitang-kita ko na rin ang pamumula ng mga mukha ng mga kaibigan ko dala ng kalasingan. Some people, including Kat, begins to be too noisy and cheerful too.

"AYOKO na! I quit!" Kat surrendered in a slurred voice before crawling up to one of the mattresses Mommy had prepared for everyone. Mabilis siyang nakatulog pagkabagsak na pagkabagsak pa lamang ng katawan niya sa foam na nakalatag sa sahig, katabi niya ang iba pa naming mga kaibigan na himbing na himbing na sa pagtulog dala ng kalasingan. She was the last one to give up. How competitive!

I chuckled at her before twisting my hair into a bun. Nang kapkapin ko ang taling nakalagay sa may palapulsuhan ko ay natigilan ako nang mahawakan ang bangle na binigay ni Paige kanina.

It was really really beautiful.

"Hey, you okay?" Napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok sa kwarto si Paige. "Are you dizzy?"

Ilang segundo pa bago ako tuluyang nakabawi mula sa pagkakagulat at umiling sa kanya. "No. I'm okay. Hindi ako mabilis malasing."

"Sure. But we've drunk for hours with different kinds of alcohol. You may not notice it but—"

"I'm not drunk, Paige," putol ko sa kanya.

"Everyone says the same thing, Tegs. Walang lasing na umaamin na lasing sila."

"Your tagalog's improving ha?" puna ko kasabay ng magaang halakhak bago ko inabot ang mga disposable cups na nagkalat sa kwarto at sa lamesa. Nakangusong ginaya ni Paige ang ginawa kong paglilinis.

"Where to bring this?" tanong niya nang ma-collect na namin ang lahat ng nagkalat na cups.

I looked around the room, looking for anything else na kailangan naming iligpit. Sandali ko lang na inayos ang kumot na tumatabon sa mga kaibigan ko bago tumayo at umikot paharap kay Paige. "Baba natin sa kitchen."

Tahimik na ang buong bahay habang binabagtas namin ni Paige ang hagdan pababa dala ang mga cups at iilang pinggan na pinaglagyan ng snacks at food namin kanina. My parents and the maids were all probably sound asleep na. It was already quarter to 3 am so that's not unusual.

I watched her back as she walked ahead of me. I realized that she can also hold her liquor well. Halos pareho lang naman kami ng nainom and she's showing any signs of being drunk or tipsy at all.

I'm not drunk. A bit tipsy, maybe, but not really drunk.

Maingat kong inilagay ang mga plato sa lababo bago ako umikot para sana sabihan si Paige kung nasaan ang trash bin but then, I found myself staring directly at her eyes with very little space between us.

Sandaling bumaba ang tingin ko sa torre ng mga basong hawak niya na ngayon ay nakapatong na sa may gilid ko.

"I . . . I was about to throw the cups." Bumagsak ang tingin ko sa trash bin na naka-kabit sa may corner ng lababo namin.

Lord knows how I try to let my eyes stay there! But as if betraying me, muling bumalik ang atensyon ng mga iyon sa mga mata ni Paige. Unlike her usual sharp glares, what welcomed me were drowsy and exhausted eyes.

"The trash's on the side . . ." Wala sa sarili kong saad sa kanya.

I didn't even know how we ended up in this position. Kung paano niya ako na-corner rito habang nasa magkabilang gilid ko ang mga braso niya ay hindi ko alam at wala na akong balak pang alamin.

Ayoko na mag-isip pa.

My vision then choose to act up now. Pakiramdam ko ay maalon at nagsasayawan ang lahat sa paligid ko, this is probably the mixed drinks finally hitting on me.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ikinunot ang noo ko, sinusubukang pawiin kahit papaano ang hilong nararamdaman.

"I told you, you're drunk." Mabilis at matapang kong idinilat ang aking mga mata. I glared at her but she just smirked at me.

"I'm not!" matinis ang boses na tanggi ko na tinawanan niya lang.

"You are," mahinahon niyang ulit na mas nagpa-irita sa akin.

Hindi nga ako lasing!

"Tegs?" I once again opened my eyes, disoriented. Hindi ko namalayang pumikit na pala ako ulit. "Are you okay?"

Umangat ang mga mata ko papunta sa nag-aalalang si Paige. She was still standing in front of me, just a few inches away from me. Ramdam ko ang bawat hininga niya and I smile at the thought of having her this near to me.

"Paige . . ." I called out with a smile.

"Hmm?"

"You know what? You're so pretty . . ." I held each side of her cheeks with my hands and squished them a bit. Kitang-kita ko ang bahagyang pag-kunot ng makapal at maitim niyang kilay habang hinahayaan akong paglaruan ang pisngi niya.

"You're so pretty . . ." Ulit ko bago kusang bumagsak ang mga mata ko sa kanyang labi. "So pretty . . ."

The next thing I knew, I pulled her face closer to me and kissed her. When I opened my eyes, I saw her eyes wide open for a few seconds before finally closing them slowly. Naramdaman ko ang paglipat ng kanyang mga braso mula sa lababo palibot sa bewang ko.

The kiss deepened. Ang kaninang magkadamping mga labi namin ay nag-umpisang gumalaw. I really don't know how to kiss but she seems so well adept to it. Parang alam na alam niya kung ano ang dapat gawin at kung paano ako baliwin gamit ang mga labi niya.

Mabilis akong napadilat nang makarinig ng isang malakas na singhap mula sa kung saan. Kusang naghiwalay ang mga labi namin ni Paige at sabay naming nilingon ang pintuan ng kusina kung saan naroon ang gulat na gulat na si Shai hawak ang kanyang cellphone.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang makita ang gulat at pandidiri sa mga mata ni Shai habang nakatingin sa amin ni Paige.

"What the hell are you doing?!" Ang galit na sigaw ni Shai ang siyang huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz