Flaw #12

15 1 0
                                    

NAPAUNGOL ako sa sakit ng ulo ko nang magising. Dahan-dahan akong bumangon at mabilis na naagaw ng pansin ko ang mga kaibigang nagtutumpukan sa may sofa sa kabilang panig ng kwarto ko.

Kunot ang noo kong pinanood ang mga kaibigan habang nakasandal sa headboard ng kama.

"The nerve!"

"I can't understand! Paano nakaya ng konsensya niyang i-take advantage ang kalasingan ni Teagan? Oh my God!"

"I know there's really something from the start! She's a total weirdo umpisa pa lang!"

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga kaibigan. Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinuputok ng kanilang mga butsi. They were all watching something on Shai's phone—Shai's phone?!

Just then, memories of what happened last night came like flashes of thunder inside my mind.

I just . . . I just kissed Paige and Shai caught us?!

"Teagan!" Mabilis na dumalo sina Kat kasunod ang iba pa naming mga kaibigan sa aking tabi. "Are you okay?"

"W-what happened?" nauutal kong tanong. I was still overwhelmed with the sudden memories from last night. I can't seem to wrap my head around everything that had happened and will be happening!

Oh my God! This is such a mess!

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. I don't see Paige around. Nasaan kaya siya? Nandidiri ba siya sa akin kaya siya umalis? Or maybe she just needed to use the comfort room? I remember her kissing me back last night or was that already a drunken imagination of mine?

"Nasa'n si Paige?" tanong ko sa kanila.

Nagtaka ako nang magpalitan pa sila ng tingin bago alanganing ngumiti sa akin. "Uhmm . . . Tegs? Can't you recall what happened last night?"

Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang buong mukha ko nang marinig ang tanong ni Shai.

"L-last night?" nauutal kong tanong pabalik sa kanila.

"I knew it! Paige really took advantage of her—"

"What do you mean? Who took advantage of who?" gulantang kong tanong sa kanila.

Shai heaved out a heavy sigh while shaking her head before her hands rested on each of my shoulders in a comforting manner. "Last night, I saw Paige taking advantage of your drunkenness. She was kissing you! Good thing ay naabutan ko siya kung hindi ay baka hindi lang halik ang ginawa sa'yo ng tomboy na iyon!"

"W-what?" As far as I remember, ako ang naunang humalik kay Paige. Bakit parang nabaliktad ata?

"You immediately lost consciousness! Napasigaw ako sa gulat kaya napababa rin ang parents mo kasabay nina Kat," kwento ni Shai.

"So, where's Paige right now?" kinakabahan kong tanong.

"Your dad sent her home. Pinahatid sa driver niyo. She wasn't saying anything! Baka nakaramdam din ng guilt!" Shit! My parents got involved!

"Teagan . . . you look so pale. I'm sorry we have to say this to you this early!" worried na saad ni Kat habang marahan pang hinahaplos ang balikat ko.

They were all trying to comfort me, but I don't think there's nothing that can help calm my nerves right now. Lahat ng iniiwasan kong mangyari noon ay nangyayari na nga ngayon!

Ano na lang ang sasabihin nina Mommy at Daddy kapag nalaman nilang ako ang nag-initiate ng halik na iyon? Ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan ko? Ngayon pa nga lang ay diring-diri na sila kay Paige dahil lang iniisip nila na si Paige ang promotor niyon!

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon