Flaw #13

21 1 0
                                    

"TEAGAN!" Hindi lang ako ang napalingon nang marinig ang malakas na boses ng isa naming kaklase na pawis na pawis at hingal na hingal nang makapasok sa loob ng Student Council Office.

We were currently having a meeting for the upcoming university week.

"What's wrong?" tanong ko sa kanya.

"S-si Paige! Kinorner nina Rookie!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at walang pagdadalawang isip na iniwan ang meeting pagkatapos masabi kung saan nagaganap ang gulo.

"Rookie! I swear! You could be expelled this time!" babala nina Kat sa nakangising si Rookie na mukhang nagpapasok pa ng mga taga-labas para makorner si Paige.

Ang lakas nga naman ng loob niya at napili pang gawin ito sa likuran ng main building. Totoong napaka-rare ng mga taong dumadaan rito but still, we're inside the school premises!

"Rookie!" dumagundong ang boses ko sa paligid. The people crowding around them all turned to look at me. Nakita ko sina Kat at ang iba ko pang mga kaibigan na naka-upo sa may lapag.

Napasinghap ako nang makita si Paige na nakahandusay sa sahig, blood oozing down her forehead. Patakbo kong tinungo si Paige na inaalalayan nina Kat.

"Kaya pala maangas noon, trip pala si Teagan!" tumatawang panuya ni Rookie.

"What the hell did you do, Rookie?!" galit kong sigaw habang hinahayaan si Paige na sumandal sa may balikat ko.

I can hear my heart pounding so hard. God! Paanong umabot sa ganito ang lahat?!

"Hindi ako pumapatol ng babae, Teagan. Pero hindi naman pala babae ang isang 'yan—"

"Shut the fuck up, Rookie!" nagulat ang lahat nang marinig ang unang murang narinig nila mula sa akin. I am really not a fan of profanities but there's really no words left to give justice to the fury I feel inside.

"Teagan—"

Hindi ko na hinayaang matapos pang magsalita si Kat, maingat kong inilipat ang pagkakasandal ni Paige mula sa balikat ko patungo sa kanya at matapang na tumayo at hinarap si Rookie. Behind him was the people who once enjoyed bullying her too. But what's worse was that, some of these people also once considered Paige as a friend, or even a role model as they admire how smart and cool she is.

Funny how people can shift sides so easily when they learn something about your dirty secrets.

"Paige didn't kissed me," paglilinaw ko. I can stay silent a few weeks back dahil hanggang panggugulo lang ng gamit at pang-aasar ang natatamo ni Paige mula sa kanila. But if things went down like this, to the point of violence?

I can no longer be selfish.

It should be now or never.

"I kissed her." I heard the endless gasps from the crowd. Kahit saang direksiyong ay nakakarinig ako ng singhapan at mga bulungan.

"Yes . . ." pinilit kong lunukin ang tila napakalaking bara sa may lalamunan ko habang patuloy na tinutulak ang sarili na aminin na ang totoo. "Yes . . . I like Paige . . . romantically."

Mas malalakas na mga singhap ang naging sagot ng mga tao sa ginawa kong pag-amin.

"Teagan . . ." I looked back at Kat using my peripheral vision.

Kat's my bestfriend. Ayokong makakita ng pandidiri o panghuhusga sa mga mata niya. I'll rather run away than to see that.

"Kat, please bring Paige to the infirmary," pakiusap ko sa kaibigan bago ko sinugod ang kumpol ng mga manonood sa harapan na agad ring gumilid nang makita ang ginawa ko.

I ran away.

Tuloy-tuloy ang pagtakbo ko papalayo roon at kahit na narinig ko ang sigaw at pito ng guard mula sa gate nang mabilis akong tumakbo palabas ng campus ay hindi ko iyon pinansin.

I continued to run away from everything.

Because it is all over.

I would lose my friends, my reputation, and probably my parent's favor? Hindi ko na alam!

But one thing I was sure of is that my life would never be the same again.

Napa-igik ako nang madapa sa sementadong daanan. I looked down on my knees nang makaramdam ng sakit mula roon, I saw blood oozing from my kneecap down to my legs. Kumawala ang isang hikbi na agad ring sinundan pa ng mas marami. I can feel people passing me by, staring at me curiously. Malamang ay napapa-isip sila kung nababaliw na ba ako o ano. Sino ba namang maglulumpasay sa sahig sa gitna ng sidewalk?

"Miss, ayos ka lang ba?" napaangat ako ng tingin sa babaeng bahagyang yumuko para pantayan ang lebel ng mukha ko. She looked genuinely worried.

Sunod-sunod ang naging pagbagsak ng mga luha ko habang nakatitig ako sa ginang na nag-aabang ng isasagot ko.

"I . . . H-hindi . . . Hindi ako maayos . . . Hindi na . . . Hindi na maaayos . . ." Hagulgol ko bago tuluyang ginamit ang mga kamay ko bilang panabon sa mukha kong hilam na hilam na ng mga luha.

Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi ng ginang. I think she was persuading me to stand pero paulit-ulit lang na iling ang ginawa ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng ibang tao.

I'm already ruined anyway, so ano pang saysay kung iinitindihin ko pa sila?

"I ruined everything!" hiyaw ko sa basag na boses. I can still feel the woman's hands comforting me by gently tapping my shoulders.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa siya umaalis. Bakit niya ako dinadamayan sa kahihiyang ito? She could have been like everyone else who was just passing by.

"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, but you still look young. Kung hindi na maaayos kung ano ang nasira, then, mag-umpisa ka na lang ng panibago," rinig kong sabi niya habang nakaupo na sa harapan ko. "Hindi man magiging madali but atleast, mag-uumpisa ka sa paraang gusto mo."

Hindi ko alam kung kailan tumigil ang mga hikbi ko. Parang tanga lang akong nakatitig sa magandang mukha ng ginang. She looks like she's about the same age as my mom or probably younger, mayroon sa awra niyang nakakakalma.

She smiled at me before putting all my hair behind my back. "Ang ganda mong bata. Marami pang nag-aantay sayo sa hinaharap."

Kumuha siya ng panyo mula sa shoulder bag na hawak niya at ginamit iyong pamunas sa mga luha ko. "Okay lang madapa paminsan-minsan. Normal lang iyon lalo na kung mabato ang daanan, pero 'wag na 'wag mong kalilimutang tumayo mula sa pagkakadapa. Bumpy rides were really made to test you, but never to destroy you. You are stronger than you think you are, kailangan mo lang magtiwala sa sarili mong kaya mo."

A lone teardrop fell from my eyes despite her efforts to dry them up. Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko habang nakikinig sa kanya. It was as if deep inside me, alam kong kailangan kong marinig ang lahat ng iyon.

I needed to hear it from someone else.

Na kaya ko 'to.

Inalalayan ako ng ginang sa pagtayo. She stared at my scraped knee for a while before dusting it off using the same handkerchief she used to dry my tears earlier.

"Keep this," aniya sabay abot sa akin ng panyo. "Keep is as a remembrance of your tears, of your pain. Tapos, kung sa tingin mo ay kaya mo na, burn it. Isabay mo sa pagsunog ang mga luhang ibinuhos mo at ang lahat-lahat ng sakit na naramdaman mo."

Sandali kong tinignan ang nakangiting ginang. I really don't know her, but somehow I ended up going home carrying her white handkerchief in my hands.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Where stories live. Discover now