CAPITULUM 19

553 59 1
                                    

"But it's from the same family... It's called the 'Marburg virus'."

"I've never heard of that one," Nova commented and sipped her tea.

Mapait na ngumiti si Dr. Almeida at ipinaliwanag ang tungkol dito, "The Marburg virus causes haemorrhagic fever with a fatality rate that can be as high as 88%. Tulad ng sinabi ko, nagmula sila sa iisang 'family' ng Ebola virus. Unang nagkaroon ng Marburg outbreak sa Marburg at Frankfurt, Germany at Serbia noong 1967. From what I know, the outbreaks were associated with lab work on African green monkeys that came from Uganda. Inaatake ng virus ang vascular organs ng tao, at madalas na nagkakaroon ng internal bleeding at organ failure sa mga infected."

Internal bleeding.

Agad na bumalik sa mga alaala ni Nico ang imahe ng mga crime scenes. Indeed, it seems like they sick victims bled to death. Hindi na magtataka si Nico kung iyon nga rin ang isa pangunahing mga dahilan kung bakit sila namatay.

"Anu-ano pang mga sintomas?"

"Well, the virus has an incubation period that can last as long as 21 days. Some symptoms are haemorrhagic fever, weakness, severe diarrhea, vomiting, abdominal pains, sore throat, lethargy, and chest pains."

Base sa impormasyong ibinigay sa kanila, tugma ang mga sintomas sa pahayag ni Mr. Taves noong na-interrogate ito sa HELP kahapon.

"Do they die immediately after the symptoms show up?" He asked.

"No. According to the records, kapag nagpakita na ang mga sintomas, the infected person usually dies within 6 to 9 days."

Kung ganoon, madali ngang natatansya ni UD kung ilang araw na lang ang itatagal ng kanyang mga biktima. Pero malakas ang hinala ni Nico na binabantayan rin nitong maigi ang kanyang mga target.

Finally, Nova beat him to the question that's been bothering him, too.

"Ibig sabihin ba nito sa incubation period ng Marburg virus sa katawan at sa 6 to 9 days na itatagal niya bago mamatay ang host, maraming posibleng mahawaan?"

Dr. Almeida shook her head. "Nahahati sa dalawang kategorya ang mga virus 'pag dating sa bagay na 'yan. May mga virus kasi na nakakahawa agad kahit na nasa incubation period pa lang sila at may mga virus naman na hindi---well, at least not until the symptoms appear. Fortunately, Ebola and Marburg cannot infect other people while the virus is in its incubation period."

"Bale kung 21 days ang incubation period ng Marburg virus, hindi ito pwedeng makahawa sa ibang tao sa loob ng 21 days na 'yon?" Nova clarified, to which the virologist nodded in confirmation.

"Thankfully, Marburg isn't airborne---meaning, the virus itself doesn't infect you through respiratory means, unlike COVID. Pero posibleng mahawaan ang isang tao ng Marburg virus sa pamamagitan ng direct contact sa body fluids---saliva, blood, sexual intercourse, open wounds, etc."

Gustuhin mang matuwa ni Nico sa kanyang nalaman, alam niyang malayo pa rin sila sa katapusan ng kasong ito. Unang-una sa lahat, kahit na hindi nakakahawa ang Marburg sa loob ng 21 na araw ng incubation period, it will still be contagious once the victims' symptoms start.

Given that Mrs. Taves' just stayed at home the whole time she was sick, hindi malayong nahawaan na nga ang pamilya niya. Sa kaso naman ng mga Chua, posible pa ring na-expose sa virus si Benet.

'Just what kind of monster uses a virus to kill people?'

Saan niya kinuha ang Marburg virus? Paano niya nagagawang i-expose ang mga biktima rito? Ano ang kinalaman ng mga bato sa misteryong ito? Ano ang pattern niya sa mga biktima?

One by one, the questions are being answered...

But as a consequence, even more questions arise from these answers.

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now