CAPITULUM 61

527 57 6
                                    

W E D N E S D A Y

December 11, 2019
8:56 a.m.

---

"I see her."

Dan held the binoculars and followed the woman briskly walking out of the city hall. Maayos ang pagkakapusod ng buhok nito at madalas nagpapalinga-linga sa paligid. From this angle, Dan can clearly see she was aware and alert, the qualities he finds attractive in a woman.

"From this angle, I can even see how pretty she is---"

["Dante."]

Kamuntikan nang mawalan ng balanse si Dan nang banggitin ni Yuki ang pangalan niya with a strict and scolding voice he rarely heard from him. Yikes. Dahil dito, agad na umayos si Dan ng upo sa sanga ng puno ng kaimito.

"Joke lang, eh. 'To namang si Yuki, 'di mabiro. Hahaha!"

["You lost her out of your sight, didn't you?"]

Oh, shit.

Natataranta niyang hinanap ang babaeng kanina niya pa minamanmanan. But of course, the great Detective Nico Yukishito is always right about things, dahil biglang nawala sa kanyang paningin ang pediatrician.

'Bakit ba lagi na lang akong minamalas? Hay!'

Mahinang napamura si Dan at napasandal sa katawan ng puno. "Yuki, 'wag kang magagalit ah---"

["Nah, knowing you, I already anticipated this."]

Huh?

Minsan talaga nahihirapang unawain ni Dan ang kanyang kasama slash iniidolo. Dahil una sa lahat, bakit naman siya nito ise-station sa tapat ng Eastwood City Hall, ang susunod na lokasyon ng krimen?

Just earlier this morning, tinawagan siya ni Nico at ipinaliwanag ang sitwasyon at ang mga kailangan niyang gawin. Partida, wala pa siyang ligo nito! The moment he mentioned that they might have a lead on UD, Dan quickly ran here with his equipment.

'Ang gulo! Kung okay lang palang mawala sa paningin ko ang target ko, bakit pa ako nandito?'

As if hearing his thoughts, Nico instantly answered on the other end of the line.

["Nandiyan ka para kumpirmahin ang presensiya ni Miss Tiffany. And since you've already mentioned that she's been there, that just solidifies the evidence against her."]

Oh. Well, that makes more sense.

["Nova and I still have an appointment to attend to. Nakuhanan mo ba siya ng pictures?"]

"Aba, oo naman! Hindi sa pagmamayabang, Yuki, pero alam mo bang naging photo journalist ako noong high school tapos umabot pa ako sa regionals at may nakalaban pa akong---Umm... Yuki? Hello? Yuki~?"

Binabaan na pala siya nito ng telepono. Napailing na lang si Dan, sanay na sanay na sa pagiging suplado ng "greatest detective" ng Eastwood.

'At ano naman 'yong sinasabi niyang appointment nila?'

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now