CAPITULUM 57

452 47 0
                                    

Eastwood General Hospital
12:30 p.m.

---

Sa mga panahong kagaya nito, nakakakonsensiyang magpahinga.

"Min, lunch time na."

"Marami pa kasing kailangang asikasuhin," Min reasoned out when one of her co-nurses passed her by the hallway. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa hawak na files at binasa ang mga ito habang naglalakad.

Around her, the hospital was a complete mess.

Sunod-sunod ang mga isinusugod dito dahil sa banta ng Marburg virus. Sa kasamaang palad, lumabas na ang ilang lab results at nakumpirma na nilang infected nga ng virus ang ilang mga pasyente. Some were already isolated, while they were still monitoring the others.

Vomiting, nausea, chest pains, sore throats, fevers, diarrheas...

At this rate, EGH will reach its full capacity in no time.

'Kasing-lala pala talaga ng Ebola ang isang 'to,' Min thought in horror as she recalled what she read in textbooks.

Agad siyang tumabi nang biglang dumaan ang ilang mga nurse at doktor, nagmamadali, at bitbit ang ilang mga gamot at aparatong alam naman nilang walang-bisa pa rin laban sa kinakaharap nila ngayon. Since there's no treatment for Marburg, they can only do supportive hospital therapy---balancing the patients' fluids and electrolytes, replace lost blood, maintain oxygen levels and blood pressure.

Wala sa sariling napahawak si Min sa kanyang kwintas.

'Kapag ganitong medical and health concerns, kami talaga ang aasahan. Yet again, a virus is not something we're immune against.'

It's admirable how front liners push away their own fears, just so we can conquer our own.

Makalipas ang ilang oras ng pagtatrabaho at pag-aasikaso sa mga pasyente, Min was about to round a corner to check another patient's fluid when she bumped into her bestfriend.

"Omg. Sorry, Min!"

"Fe?"

Pinulot ni Min ang dala niyang chart at tiningnan ito. "Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap nina doc."

"Umm diyan lang sa tabi-tabi. Nagpahangin muna... Sige, see you later. Bye!"

Hindi na nakapang-usisa pa si Min nang nagmadaling umalis si Fe. Kung anuman ang inaatupag na naman ng lokaret niyang kaibigan, she doesn't wanna know.

Only a few hours left before sunset and Minnesota Gervacio still has plenty of things to do.

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now