CAPITULUM 31

504 59 4
                                    

"I think Nico is missing."

The moment those words left Nova's mouth, the weight of their situation became heavier. Dahil kahit ilang beses niyang itanggi ito, alam niyang hindi natural kay Nico ang bigla na lang nagwawala na parang bula---not when they're in the middle of an investigation.

"That explains why he's not here," Scorpio said after he recovered from the shock. Muli niyang binalingan ang pwesto kung saan namatay ang mag-ama. "Hindi ugali ni Nicodemus na hindi sumulpot sa isang bagong crime scene."

"I know..."

Naalala ulit niya ang sinabi nito kanina. Did he really take his dog out for a walk? Kung ganoon nasaan na si Goldilocks?

'Magkasama pa rin kaya sila ngayon? Ano bang nangyari sa kanila? Gosh, I can't believe this is happening.'

Nova was trying so hard not to panic. And a part of her wanted to blame herself. Bakit ba hindi niya sinamahan ang partner niya kanina? Hindi sana siya pumayag na maghiwalay sila ng landas kanina.

Paano na lang kung bigla na lang siyang nahuli ni UD?

May kinalaman ba rito 'yong lalaking humahabol sa kanila kanina?

Nawaan na rin kaya siya ng virus?

Damn. All these questions are giving her a headache. Finally, all the stress and adrenaline are taking their toll on her. Ni hindi na niya halos inintindi ang pagpapaliwanag ni Scorpio sa kanya tungkol sa mga ebidensyang pinasuri sa kanya ni Nico.

It turns out, walang nakuhang fingerprints sa bato (given that it's more difficult to lift fingerprints on porous objects), at wala ring nakitang kahina-hinalang kemikal sa sample ng basag na mug na nakuha sa bahay ng mga Taves. Another dead end.

'Wala pa rin kaming ideya kung paano sila na-expose,' Nova thought in frustration.

Nang mapansin ni Scorpio ang pagod sa mukha ng dalaga, his expression softened. "Why don't you take a break for a while? I'll talk to the police and tell them about your partner's disappearance."

Isang mapait na ngiti. "Nico wouldn't be pleased to know that we're asking help from the 'stupid police'. Magta-tantrums sigurado 'yon."

"Indeed, his ego wouldn't allow it. Pero kung isa nga itong emergency, kakailanganin natin ang tulong nila, hija."

Nova nodded, too weak to even utter a response. Agad naman itong naunawaan ng matanda at nagpaalam para kausapin na ang awtoridad.

Makalipas ang ilang sandali, nang humupa na ang gulo at nagsi-alisan na ang ibang tao, Detective Briannova Carlos started pacing the area. Her sharp brown eyes scanned the place like a hawk would while hunting down its next prey.

She was on edge, but she's a damn detective.

'Kung tama ang pattern, malamang may iniwan rin si UD dito.'

Hindi nagtagal, nakita na niya ito sa tabi ng basurahan.

With a gloved hand, she picked up the rock and studied the engravings.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Salamat sa tulong ni Maestro, alam na nilang isang Mayan zodiac na naman ang nasa larawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Salamat sa tulong ni Maestro, alam na nilang isang Mayan zodiac na naman ang nasa larawan. With a few taps on her phone, Nova easily identified this one as "Kamkin" or the "Yellow sun". Pero hindi pa rin malinaw sa kanya ang ibig sabihin ng numero. What on earth could 270 mean?

Habang abala si Scorpio sa pagtawag kay Inspector Ortega, naupo si Nova sa isang gilid at sinubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nalalaman nila.

'Is the Unknown Disease referencing some ancient Mayan end of the world scenario?'

270

Lalo namang hindi ito isang coordinate. It doesn't make sense in terms of latitude and longitude. Isa pa, malabong may kinalaman naman ang numerong ito sa mall mismo. What about time? 270 years? 270 months? 270 days? No, that's not it. Huminga nang malalim si Nova at isinantabi na muna ang misteryo sa numero.

Kahit anong mangyari, kailangan niyang ituloy ang imbestigasyon.

Malaki ang nakataya rito.

"Aside from the fact that my partner will be pissed off if he finds out I'm not doing my part," Nova said with a sad smile. Sa kabila ng kanyang pag-aalala para sa siraulong 'yon, alam niyang kailangan niyang ibaling ang kanyang atensyon sa "bigger picture" ng kasong ito.

Napabuntong-hininga na lang si Nova.

'Please be safe, you airheaded emo.'

Dumako ulit ang kanyang mga mata sa crime scene. The police, along with the help of ECDCP personnel, were already isolating the place. Wala nang epekto sa kanila ang samu't saring Christmas lights o ang mga kantang kanina pa tumutugtog sa background. No, this is definitely not the season to be jolly.

At doon napagtanto ni Nova ang pagkakatulad ng tatlong krimen.

"UD is targeting families."

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now