CAPITULUM 44

465 58 1
                                    

It was a quarter past twelve, but the killer didn't care. 

Time became an irrelevant element in his life long before he decided to use it against others.

'Sa ngayon, hindi na ako magtataka kung marami nang nahawaan ang mga pinili ko.'

It was inevitable, harming others. Matagal na siyang nawalan ng konsensiya sa kanyang mga ginagawa. The Unknown Disease leisurely scanned the files on the desk, studying the faces of his targets. Dumako ang mga mata niya sa larawan ng batang namatay sa mall kasama ang kanyang ama, the poor boy smiling innocently at the camera.

Pinunit niya ang larawan nito.

"Isipin mo na lang na niligtas kita. This way, you won't have to deal with this unjust reality," he plainly stated.

Agad niyang itinapon ang punit na larawan ng bata sa trash can. Mabuti na lang at nakabakasyon ngayon ang janitor kaya hindi nalilinis ang parteng ito ng gusali. The office was just as messy as before, and that works perfectly well for his plans.

Wala na siya rito sa Eastwood sa sandaling mahanap nila ang ebidensyang makapagtuturo sa kanya. Wala nang magagawa ang mga detectives at habambuhay nang magiging palaisipan sa kanila ang katotohanan. Like the Unknown Disease, they'll just keep running around in circles.

Combing a hand through his hair, a dry laugh escaped the killer's lips.

This place, along with the wretched memories, will no longer haunt him.

Freedom from his past.

'A Merry Christmas, indeed.'

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now