CAPITULUM 35

498 50 1
                                    

S U N D A Y

December 8, 2019
4:09 a.m.
---

"Mukhang natunugan 'nong contact niya 'yong gagawin natin, Inspector. Sabi 'nong taga-linis, kahapon pa raw niya 'yon huling nakita rito," sabi ng officer na bumalik dala-dala ang isang cup ng kape. Katulad ng iba pa niyang nga kasama, nakasuot na rin ito ng face mask.

Humikab naman si Inspector Ortega at kinuha ang kanyang kape. "May nahanap ba kayong pwedeng gamiting ebidensya sa kanya?" At hindi na siya nag-abala pang hipan ito bago uminom. Immediately, the chief recoiled from the heat and the bitterness of the drink.

Kung kani-kanina lang ay natutulog pa ang diwa niya, ngayon gising na gising na siya. After all these years, of handling the department, one would think that waking up at an ungodly hour was a skill he already mastered.

'Akala lang nila 'yon,' isip-isip ng hepe.

"Hindi pa namin tapos halughugin ang lugar, but so far we haven't found anything useful."

Inspector Ortega nodded, taking another sip, before he instructed, "Report anything out of the ordinary. Alamin niyo rin kung nandito pa ang container na naglalaman ng sinasabi nilang wine. Maglalakad-lakad na muna ako rito."

"Noted, sir."

At umalis na ang officer para gawin ang pinag-uutos niya rito.

Ilang sandali pa, inilibot ng hepe ang kanyang mga mata sa lugar. Dozens and dozens of shipping containers were all over the place, seeming like a man-made metallic maze. Ang ilan sa mga ito kupas ang pintura at kinakalawang na.

'Matagal na ngang pinabayaan ang lugar na 'to...tapos hindi pa maayos ang sistema. It's no wonder why those wines were illegally shipped under their noses,' he thought in dismay.

Sa kasamaang-palad, hindi nila agad naasikaso ang kasong nilapit sa kanila ni Detective Carlos kahapon dahil naging abala sila sa pag-aasikaso sa mga tao. Habang tumatagal, lalong nagiging "anxious" ang lahat sa kumakalat na virus. Bukod pa rito ang pakikipag-diyalogo niya kina Dr. Fabella at sa mayor at ang hindi matapos-tapos na pangungulit sa kanila ng mga reporters.

Unfortunately, just like their two best detectives, Inspector Ortega isn't even close to solving this mystery.

At ngayong naalala na naman niya ito, nawawala pa nga pala si Detective Nico Yukishito mula pa kahapon.

"Saan naman kaya nagpunta ang batang 'yon?"

Sa kabila ng mga sinabi sa kanya nina Scorpio, nahihirapan pa rin siyang iproseso ito. We're talking about THE Detective Nico, here. It hard to think that that pretty boy detective can be outsmarted by anyone---let alone, be kidnapped! Hindi na nga siguro magugulat si Inspector Ortega kung parte rin ito ng mga plano niya.

'Pero ang sabi raw ni Detective Brian, sinubukan na niyang hanapin ang partner niya... This is the last place she thought he went to before he disappeared,' Inspector Ortega speculated while walking around the area.

Puro shipping containers lang ang nakikita niya!

Huminga siya nang malalim at muling humigop ng kape. Well, if Nico really is missing, then they needed more clues on his whereabouts. Maya-maya pa, nabulabog ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ni Inspector Ortega. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan.

'At ano naman ang kailangan nito?'

He answered the call with one hand, the other still holding on to his cup.

"Hello, Atty. San Andres?"

["Good morning, Inspector Ortega. Given the emergency, you'll have to excuse me for being straightforward. May balita na ba kay Detective Yukishito?"]

"Eh? P-Paano mo nalamang nawawala siya?"

Damn. May kinalaman na naman kaya ang media rito? May officer ba silang aksidenteng nadulas at nabanggit na nawawala ang detective? If so, then this will only give citizens another reason to worry about their safety.

To his relief though, the district attorney answered.

["Brian told me about it. Nasubukan nito na bang i-trace ang cellphone niya?"]

"Can't. Hindi nga rin namin matawagan," he admitted. Dahil sa hina ng signal, kinailangan pang maglakad ng hepe pabalik sa bungad ng lugar kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan.

["That's strange. Well, mind if I join the manhunt?"]

"Ha?"

["Day-off ko po ngayon kaya may oras akong maglaro ng 'Find the Arrogant Detective' game."]

Dito nagtaka ang hepe. Sandali niyang binalingan ang kanyang mga officers sa di-kalayuan. Mukhang sayang lang ang pagpunta nila rito. Finally, Inspector Ortega finished his coffee and asked the million-dollar question, "Bakit mo 'to ginagawa?"

Lelouch paused for a moment before he answering.

["Setting aside personal issues, hindi natin maipagkakailang kailangan ng Eastwood ngayon si Detective Yukishito. It's his case, too."]

It's his case, too.

In that instance, Inspector Ortega understood. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagtingin ng abogado kay Detective Brian, and perhaps this only confirms that theory. Dahil dito, pumayag na rin ang hepe ng HELP.

'Of course I remember what it feels like to be young and in love!' He thought in amusement.

But before they could leave the place, para bang nakarinig ng mahinang kalampag si Inspector Ortega. His eyes scanned the expanse of the place. Pero bukod sa mga containers at abandonadong mga opisina, wala naman nang kakaiba sa lugar na ito.

Baka nga guni-guni niya lang ang ingay kanina.

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now