CAPITULUM 59

500 53 0
                                    

Eastwood Center for Disease Control and Prevention
(ECDCP)
7:35 p.m.

---

Inside the cramped office where the light of a nearby desk lamp barely did anything to illuminate the area, Dr. Jane Almeida was focused on what she was typing on the laptop.

Binasa niya isa-isa ang mga dokumentong nakalap niya, hoping that it would be able to shed light on the problem. Earlier that afternoon, while she was in the laboratory, her assistant informed her about Dr. Fabella's disappearance. Lumipas ang buong hapon ng paghahanap nila sa kanilang direktor, but they couldn't find him anywhere.

"H-Hindi kaya kinidnap siya ni UD?" His secretary suggested.

Sa mga panahong ito, hindi na niya alam ang gagawin. Hindi sila pwedeng mag-panic, lalo't iyon na ang ginagawa ng mga tao sa labas.

On top of that, kanina niya pa tinatawagan sina Detective Nico at Detective Brian, pero parehong nakapatay ang cellphones nila. Kung magkasama ngayon ang dalawa o abala sa personal nilang mga buhay, it only added to her worries. Habang tumatagal, nahihirapan na silang i-contain ang Marburg situation.

They're now up against all odds, unless the killer is caught.

The footsteps Dr. Ameida heard in the adjacent hallway made her alert.

Sino naman kaya ang maghahanap sa kanya ng ganitong oras? Halos wala nang empleyado ngayon sa gusali.

She frowned and set the laptop down.

"Sinong nandiyan?" Pagtawag niya, pero nang walang sumagot, lalo siyang naghinala.

The virologist pulled at her sleeves as she stalked out of the office. Muntik na siyang atakihin sa puso nang biglang namatay isa-isa ang mga ilaw sa hallway. Dr. Almeida stepped back, feeling a bit nervous.

Baka naman totoo ang sinasabi nilang haunted ang top floor ng ECDCP?

She laughed to herself nervously. Imposible, 'di ba? Unless there's sufficient data and papers to prove their existence, walang multo.

Wala sana.

Huminga siya nang malalim at pinilit umaninag sa gitna ng madilim na pasilyo.

"Is anyone here?"

Silence.

Hindi na maganda ang kutob niya rito. Fetching her phone from her pocket, Dr. Almeida immediately dialed Detective Yukishito's number.

A couple of rings.

Call unattended.

Ano bang ginagawa niya?

Napapitlag siya nang marinig niya ulit ang mga yabag. Hindi niya mawari kung saan ito nanggagaling. "Anong kailangan niyo sa---!"

Agad na naputol ang pagsasalita ng virologist nang maramdaman niya ang talim na bumaon sa kanyang tagiliran. She twisted away and held her bleeding side, wincing at the pain and wide-eyed as she stared at the person who attacked her from behind.

"A-Anong ginagawa mo rito...?"

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now