CAPITULUM 20

634 70 6
                                    

Eastwood City Hall
9:15 am

---

"Mayor, naghihintay ang mga tao sa susunod ninyong aksyon. Gusto nilang malaman kung magkakaroon ba tayo ng restrictions sa mga social gatherings at kung ipapatupad ba natin ang iminungkahing guidelines ng ECDCP."

Sa kabila nito, nanatiling kalmadong nakadungaw sa labas ng kanyang balkonahe ang mayor ng Eastwood. Mula rito, natatanaw niya ang van ng ilang reporters na nag-aabang sa kanya. He scowled and made a mental note to shoo them away before his lunch time.

'Bakit ba sa administrasyon ko pa nagkaroon ng ganitong problema? Tsk.'

Ang buong akala niya naging malinaw na ang lahat matapos ang pag-uusap nila nina Inspector Ortega at Dr. Fabella, pero mukhang hindi pa rin talaga siya patatahimikin ng mga tao---lalo na ng mga kaaway niya sa pulitika.

Just a few hours ago, his office received a number of emails addressed to him. Magkakaibang tao at magkakaibang komposisyon, pero iisa lang ang tanong nila:

Ano nang plano ng Eastwood City Hall sa pagharap sa posibleng pandemya?

Hindi pa natatapos dito ang bulungan sa magkabila niyang tainga...

"Kailangan nating i-quarantine ang mga areas kung saan nakatira ang mga naging biktima ni UD."

"Bakit naman natin gagawin 'yon? Kung kumalat na ang sakit sa iba, balewala na rin. I suggest we impose a full lockdown on Eastwood!"

"Ano na lang mangyayari sa ekonomiya natin, ha? Walang naka-allocate na budget para sa ganung mga bagay."

And the arguments go on and on that the mayor had to dismiss the meeting earlier than planned and lock himself in his office. Pero heto, at ang sekretarya naman niya ang nanggugulo sa kanya. Indeed, when you're the one in charge, things aren't always sunshine and butterflies.

'Nakaangkla pa sa pangalan mo ang responsibilidad na unti-unting humihila sa'yo pababa.'

"May balita na ba sa ECDCP?"

His secretary checked her notepad and nodded, "Nag-email din po kanina ang head ng ECDCP, at ayon sa kanya, na-identify na raw nila ang virus. He asked if you could spare him an hour this afternoon so that he can dismiss the situation to you personally."

Noon pa mang high school students sila, may pagka-"demanding" na talaga si Fabella. Mukhang hindi pa rin ito nagbabago at siya pa talaga  ang maga-adjust para sa isang 'yon. Cocky bastard, but of course he needs to set aside old disputes and act professional.

Or, at least, try to act professional.

"Sige. Paki-cancel na lang ang meetings ko mamayang alas-tres. Is there anything else?"

"Ah, opo. Nasa lobby nga rin po pala sina Mr. Yuan and Mr. Xavier."

Nanlaki ang mga mata ng mayor sa kanyang narinig. "Ang CEO ng SHADOW at CEO ng DEATH? Bullshit. Ano namang ginagawa nila rito? I thought those two agencies were mortal enemies!" Indeed, he heard enough rumors and witnessed enough criminal freak shows over his years. Alam ng lahat ang pagpapataasan ng pride at pagtutunggali ng dalawang agencies sa kanilang mga kaso.

'Totoo nga yatang malapit nang magunaw ang mundo,' isip-isip niya.

"Sir?"

Napabalik siya sa kasalukuyan nang tawagin siya ng kanyang sekretarya. Huminga nang malalim ang mayor, medyo nagsisising tinapos niya ng maaga ang meeting kanina. Ngayon, wala na siyang pwedeng maging palusot sa kanila.

"Serve them some biscuits and orange juice and tell them I'll meet them in a minute."

---

✔ 03 | Point Of ExposureWhere stories live. Discover now