Prologue

150K 4.3K 1.2K
                                    

Maraming tao sa Shibuya Tokyo araw araw kaya naman napaka busy ng lugar na ito. At dahil dito, matindi ang seguridad. Ganun pa man, hindi ka mangangamba dahil alam mong ligtas dito. Hindi ka mangangamba sa kaligtasan mo dahil halos 1% lang ang crime rate. Sa tulad kong isang last shift employee na umuuwi na ng late, magbabago ang lahat nang sumakay na ako sa last train ng 23:57...

Alas onse y media na. Sa Japanese time or military time, 23:30. Nagmamadali na naman akong isara ang pinto ng café na pinagtatrabahuan ko. Ito ang lagi kong shift tuwing weekdays. Ayoko talaga ng shift na ito dahil lagi kong hinahabol ang last train pero dahil kailangan kong makaipon, tinanggap ko ang shift na ito dahil mas mataas ang sweldo kumpara sa regular at mid shift. Nagtatrabaho ako sa Private I Café na isang book and multimedia café founded in Philippines pero nagkaroon ng branch sa iba't ibang bansa at kasama na rito ang Tokyo Shibuya. Natanggap ako sa café na ito as a waitress dahil sa bukod na Filipino ako, ay dati akong nagtrabahong librarian sa National library sa Pilipinas. Masaya ako sa trabaho ko. Pero hindi ang paghabol sa last train ride.

Isinara ko ang pinto at kinandado ang main shutter. Mas na late ako ng pagsara dahil may mga tumambay pang writers at magkakabarkada. Kung hindi pa sila binigyan ng warning memos, balak pa yata nilang tumagal sa café. Oh no! 23:45 na at 10 minutes ang walking distance mula sa café papuntang Shibuya Station. Kung makakarating ako ng 23:55 may two minutes spare time pa ako para sa pag tap ng card ko. Kailangan kong bilisan!

Nakarating naman ako ng mas mabilis nang takbuhin ko ito. I tapped my Passmo card sa Hanzomon Line at dali dali akong pumasok agad. Marami rin ang taong nagmamadali. Sa Hanzomon entrance, may makikita kang isang malaking poste na malapit sa pader. Sa pagitan nito ay may isang taong pwedeng magkasya at sumuot para maka shortcut sa hagdanan. Malaki ang poste kaya kung hindi ako papasok sa makitid na area na iyon, ay maglalakad ako ng ilang steps pa papuntang hagdanan. Hindi ko alam kung bakit ganun ang construction nito. Siguro dahil para mas mapatibay and pundasyon ng establishment kaya may mga malalaking poste. Ganun pa man, ang weird talaga. Pero at the same time, swerte na rin kasi sa ilang minutong natitira bago mag 23:57, kailangan ko talaga ng shortcut. At pumasok ako sa pagitan ng poste at ng pader para maka baba ng hagdanan kung saan ay sasakay na ako ng train. Ang hindi ko alam ay pagsisisihan ko ang pagpasok sa pader na iyon.

Nang makapasok ako ay dali dali akong bumaba sa hagdan at tumayo na ako sa waiting area para hintayin ang last train. Tumingin ako sa relo ko, 23:56. Safe! Napa-buntong hininga ako. Salamat at aabot ako sa last train ride. Napagod ako 'dun a! Napansin ko na parang wala na yatang tao.

"Kani-kanina lang, maraming taong nagsisitakbuhan para sa last train. Pero bakit ako lang mag isa ngayon sa platform na ito?" tanong ko sa sarili ko.

Naglakad ako dahan dahan dahil nagtataka na talaga ako. Hinanap ko ang train staff at nakita ko siya. Mga 10 steps ang layo niya sa akin.

"Excuse me... Bakit wala pong katao-tao dito?" tanong ko in Nippongo habang naglalakad ako papalapit sa kanya.

Bago pa man makaharap sa akin ang train staff ay may malakas na pwersa ng hangin ang dumaan sa sa tabi ko. Dumating na ang last train. 23:57 na. Nawala ang attention ko sa train staff at tumingin ako sa train. Huminto na ito at bumukas na ang pinto. Narinig ko na ang beep at tone ng pagbukas ng pinto na para bang nabuhayan ako.

"Yes, finally, makakatulog na ako sa train." Pagpapasalamat ko. Pagod na pagod na talaga ako.

Pagpasok ko ay walang katao-tao. Umupo ako sa paborito kong spot. Sa gilid. Dahil pwede kong isandal yung ulo ko at mas makakatulog ako. Pagod na rin kasi talaga ako sa totoo lang.

Sinandal ko na ang ulo ko at nararamdaman ko na ang pagpungay ng mga mata ko. Nakatingin ako sa pagsara ng pinto. Nakatayo ang matandang lalaking train staff na naka surgical mask. Inalis niya ito at ngumiti siya. Kitang kita ko ang ngiti niyang nangilabot ako. Medyo nawala ang antok ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko at laking gulat ko na puno na ang train!

"Kailan pa sila nandito? Walang tao nang sumakay ako a. Paanong-?" nagtatanong ako sa sarili ko dahil litong-lito ako.

Para mawala ang atensyon ko sa mga kakaibang nangyayari, inilabas ko ang phone ko. Walang internet. At ilang segundo pa, nawalan na ito ng battery. Hala! Bakit ngayon pa? Kanina 70% pa yung battery nito a.

Pagtingin ko sa paligid. Nagulat akong dahan dahan na lumingon ang lahat ng tao sa akin. Yung mabagal na paglingon at sabay sabay. Lahat sila ay nakangiti. Hindi ko mawari kung dapat ba akong ngumiti rin o huwag ko na lang pansinin.

Nakaramdam na ako ng pagkakilabot. Gusto ko sanang bumaba sa susunod na station pero naisip ko na last train na. Kung bababa ako, wala na akong masasakyan at kailangan ko na mag taxi. Mahal ang taxi fees sa Tokyo at mas lalo lang akong mapapagod kung bababa pa ako. Binalik ko ang attention ko sa phone ko at nagkukunwaring ginagamit ko ito. Patay na ang phone ko sa totoo lang at nakikita ko sa reflection ng screen ang katabi kong nakatitig sa akin. Nakangiti pero ang mga mata niya ay hindi inaalis sa akin. Sinubukan kong ibahin ang direction ng phone ko at nakita ko ang nakatayo sa kabilang gilid na nakatayo ay nakatingin rin sa akin. Nakangiti. Nagiba ang direction ng mga mata niya at tinignan niya ang direction ng phone ko. Nagkatinginan kami sa reflection ng phone. Shit! Lumamig ang buong katawan ko at pinagpapawisan na ako.

"Ayoko na dito. Ayoko na dito." Paulit ulit kong sinisigaw sa utak ko.

Doon na ako nag decide na kailangan kong makaalis sa train na iyon. Nang huminto na sa sumunod na estasyon ay agad akong tumayo pero nakayuko. Kailangang makalabas ako ng train! Sasakay na lang ako ng taxi. Kahit mahal at matagal ang byahe. Bahala na! Ang importante ay makalabas ako ng train na iyon ng buhay. I mean, wala naman silang ginagawa sakin pero natatakot na ako para sa safety ko kung magtatagal pa ako dito. Nanginginig na ako pero hindi ko lang ipinapahalata.

Mabilis akong lumabas pagbukas ng pinto. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kabog ng dibdib ko. Nakayuko ako at nang maapakan ko na ang sahig ng station. Doon ko na naramdaman na safe na ako.

Nang tumango na ako para makita ang paligid, una kong nakita ang batang babae nakangiti sa akin. Safe na nga ako. Nakita ko rin ang mama niyang nakangiti rin sa akin. Ang buong tao ay nakangiti sa akin. Pati ang train staff ay nakangiti. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakahinto pa rin ang train at bukas ang pinto. Sa loob nito, lahat ng tao na nakasakay sa train ay nakatingin rin sa akin na nakangiti.

Nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko...

Pagkatingin ko sa nakadisplay na oras sa platform, 23:57 pa rin...

Bakit? 

23:57Where stories live. Discover now