9th Incident: Hospital 病院

28K 1.2K 370
                                    

Note: Hi guys! I have a minor error last chapter about Daisy's case. Fixed it now. May mga tanong po ba kayo sa akin tungkol sa 23:57? Send niyo po ang mga tanong ninyo (as long as it's not about spoiling the story) via PM dito or via FB page ko. Pipili po ako ng mga tanong na sasagutin ko via blog entry na isasabay ko sa next update. I updated a little early because of my erratic internet connection. Haha! And now, let's proceed to the chapter 9...



                Sa loob ng train, nakatayo si Ayako na nakangiti sa akin na balot na balot sa dugo.


            Papalapit na si Ayako sa akin. Kitang kita ko ang sugat sugat, payat at nagdurugo niyang paa. Napatingin ako sa itaas at saglit kong nakita ang mukha niya na patuloy na nakangiti sa akin. Agad kong ibinaba ang tingin ko.


            Ayokong makita ang mukha niya.

 

            Sinubukan kong tumayo agad ngunit naramdaman ko ang tindi ng sakit ng binti ko. Marahil sa tindi ng pagkakadapa ko. Nang balikan ko nang tingin ang mga paa ko, wala na ang mga nakahawak dito.


            Pinilit kong gumapang at sinubukan kong lumayo.


            Pero patuloy pa rin ang paglalakad ng mga pang iyon papalapit sa akin. Kasabay nito ang maingay na emergency sound na maririnig sa buong estasyon dahil nga may train accident.

           

Ano bang pinagsasabi ko? Hindi ito accident. May pumatay kay Tetsu-san.


            Ako na kaya ang susunod?


            Hindi ito si Ayako. Hindi ito si Ayako. Hindi ito si Ayako.

 

            Kahit nagagasgas na ang siko ko sa sahig ay patuloy pa rin ako s paggapang.


            Hanggang sa maabutan niya ako. Alam ko. Naramdaman ko ang paghawak ng malamig niyang kamay sa paanan ko. Kahit makapal sa pants ang suot suot ko ay naramdaman ko ang lamig nito. Bukod pa sa fact na winter ngayon ay sobrang lamig ng kamay na humawak sa akin.


            Sinubukan ko pa ring tumayo pero bumagsak ulit ako.


            Hanggang sa may kamay na humawak sa mukha ko papuntang baba ko at itinaas ito. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kung mamamatay man ako dito, ayokong ang

mukhan na ito ni Ayako ang huling makikita ko.


            Pero hindi ko maipaliwanag at kusang bumukas ang mga mata ko. Nakita ko ang nakangiting si Ayako. May hiwa ang bibig. Nakangiti ang bibig at ang mga mata nito sa akin.


Hihihi.


Hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang tenga ko.


            May scenario ng maraming tao magkakasama na biglang nakita ko sa isip ko. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Naglalakad sila papasok ng Shibuya station. Lahat sila ay nakangiti. Hindi pa sila duguan ng mga panahon iyon. Mukha naman silang normal. Hanggang sa napansin kong nakapalibot na sila sa akin. Hindi ko pa rin sila namumukhaan. Sabay-sabay na ngumiti.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon