4th Incident: Photo 写真

40.2K 1.5K 536
                                    

Note:  Hi! 4is believed to be an unlucky number by East-Asian countries. Kaya, gusto kong gamitin ang chapter na ito bilang starting point or opening ng mga nabuo kong concept for 23:57. Sa mga nagkaroon ng phobia sa mga naka surgical mask, natutuwa ako na effective ang pagkakakwento ko pero wag po natin katakutan ang mga naka surgical masks. Unless nakangiti sila sayo…

Sa nag comment na, kahit late decision na ang pag expand ko ng kwento from prologue ay nai-deliver ko pa rin ng maayos. Salamat sayo! Thank you ulit sa mga nakakatuwang comments at constructive crits.  And now, let’s proceed to chapter 4…

Ting!

 “Ikkai de gozaimasu. Kochira gawa no doa ga hirakimasu.”

(First floor. This side of door is going to open), nagulat ako sa voice over sa elevator.

Nawala ang attention ko sa sahig at napatingin ako sa front door. Nandun pa rin sa reflection ng mga taong naka surgical masks na dumudugo. Kumakabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Ang pakiramdam ko ay trapped na ako. Wala na akong magagawa sa sitwasyon na ito. Bumukas ang pinto ng elevator at nagulat ako sa nakita kong may naka surgical mask din. At tumingin siya sa akin at nginitian ako.  

Si Oya-san lang pala. Siya ang may ari ng buong apartment building kung saan kami nakatira. Napatingin ulit ako sa sahig at walang droplets ng dugo.

I was relieved. I thought… Well, I don’t want to think further about it…

“Oya-san! Bikkurishimashitayo! Ohayougozaimasu!”

(Oya-san! Nagulat ako sayo! Good morning!) bati ko habang napahawak ako sa dibdib ko. Ang term na Oya-san ay polite form of the word, landlord. Siya ang may ari ng buong apartment.

Binati rin ako ni Oya-san at natawa siya dahil para daw akong nakakita ng multo.

Kung alam niya lang…

 

Agad akong nagpaalam at nag bow habang sumakay siya sa elevator. Pagkatapos kong mag bow ay nagulat ako ng may mga kasama na si Oya-san sa loog ng elevator.

Nakangiti rin si Oya-san ng walang kamalay-malay.

Agad akong umalis.

 

Nang makarating ako sa school, naramdaman ko na antok na antok pa ako. I never had a decent sleep simula kagabi. Mga 2-3 hours lang yata akong nakatulog at ngayon ay nararamdaman ko na ang epekto nito. Mabigat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako.

9:00. Tumunog na ang bell. Pumasok na si Nakajima-sensei (sensei means teacher) na dala dala ang pile of Japanese language books. Si Nakajima-sensei ay maliit na medyo chubby at nakasalamin. He has a very jolly face na kapaligtaran ng sobrang babang boses niya.

“Jugyou hajimeyo!”

(Let’s begin the lesson!), panimula niya na lagi naming naririnig. Ito na ang senyales na siya ay magche-check na ng attendance.

Nang mag recess, nag stay muna ako sa classroom. Napaisip ako sa mga bagay bagay tungkol sa 23:57 urban legend.

Sino sila?

Ano sila?

At anong kinalaman nila sa 23:57?

Tak. Clack. Shik.

At narinig ko ang mga pamilyar na tunog na iyon sa labas ng classroom. Nanlamig na naman ulit ako at ang mga kamay ko ay nanginig. Kailangan kong makaalis ng classroom. Pero paano? Nakaupo ako malapit sa bintana sa pinakahuling row. Dalawa ang pintuan papalabas at papasok. Kaya kong lumabas sa pinakamalapit na pinto pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga tunog na iyon.

23:57Where stories live. Discover now