15th Incident: Tattoo & Glasses 刺青と眼鏡

28K 1.1K 408
                                    

Note: Gusto ko ng angus beefsteakhouse pizza. Lalalalalala~! Favorite chapter ko ito kasi lumabas na ang mga characters na matagal ko nang gustong ipasok sa kwento. Makikilala niyo na sila! (Excited na ako, actually. lol) Medyo naging masaya ang araw ko ngayon kaya nakapagsulat ako ng isang chapter. Pero sa totoo lang sobrang hardcore talaga ng schedule ko. Kaya pasensya na kung hindi ako maka-reply sa inyong lahat. Baka this weekend, babawi ako~! Kung may mga fanart kayo ng 23:57 iPM na lang sa Facebook Page ko~! Salamat ulit! Kaya ako nakakapagsulat ngayon dahil alam ko na may nagbabasa. At hindi lang binabasa, ina-analyze pa ang bawat hints na bitawan ko sa kwento.

And now, let's proceed to Chapter 15...

I have no idea on how to handle this situation.

Sabay kaming minumulto ng nanay ko.

Bakit ba siya nadamay dito?

Knock. Knock. Knock.

Nagulat ako sa tunog mula sa pinto ng kwarto ko. Nang maibalik ko ang tingin ko sa nanay ko, wala na ang bata. At sa screen ng video ko, wala ring tao sa ikod ko.

"O mukhang may bisita ka yata. Check mo kung sino yan. Mauna na rin ako. Maaga pa ako bukas." Paalam ng nanay ko sa akin.

"Sige, ma. I might visit you at your new house within this week." Sabi ko.

Then we exchanged our goodbyes and then I logged off.

Pero nandun pa rin ang pagaalala ko sa nanay ko. This is really serious.

Knock. Knock. Knock

"Ha-i! Matte kudasai!"

"Ye-s! Wait a minute!"

Pasagot ko sa kumakatok. At dahil nasa Tokyo ako, I never thought that Napamadali ako sa pagtayo at isinuot ko at slippers ko

Bago ko buksan ang pinto ay sinilip ko muna kung sino siya.

Si Oya-san.

Anong kailangan niya ng ganitong oras?

Pagbukas ko ng pinto, walang tao...

"What?!"

Ako lang ang mag-isa sa area na iyon at walang katao-tao sa paligid.

Nakita ko ang katapat na pinto. Ang kwarto ni Ayako. Room 310.

At lumamig at lumakas ang hangin. Winter ngayon pero nandoon ang takot ko sa kakaibang simoy ng hangin na 'to.

Nandun ang kagustuhan kong makausap si Ayako pero mas pinili ko na isara ulit ang pinto. Dahil siguro gusto ko munang magkaroon ng oras para sa sarili ko.

Well, sa ngayon, hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng oras lalo na at nakalaan na ito para sa mga misteryong kailangan kong alamin.

--

Kinabukasan, Saturday, hindi na ako nakakulong sa hospital at bumuti na rin ang pakiramdam ko. Finally, I can freely do what I want. Naalala ko, bago ako lumabas ng Shibuya hospital, sabi ni Dr. Higashi na kailangan ko ng maraming pahinga. The thing is, I am currently in Private I Café para alamin ang identity ng thirteen people. Matigas talaga ang ulo ko. At first, passive ako sa ganitong bagay. Hindi nga ako nanininwala sa mga ganitong kababalaghan noon. Until, I experienced it. I never knew na magiging ganito ako sa persistent sa pag alam ng misteryo ng 23:57.I need to know ang profile ng mga taong nag commit ng suicide sa event na iyon.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon