26th Incident: File Case ファイルケース

16.6K 890 141
                                    

Note: Yep, this chapter's title is File Case. Lol. Be sure to to comment and vote! This is a pretty special chapter and I would love to know your thoughts about it.

And now, let's prceed to chapter 26...

May biglang mga kamay na sumakal sa akin mula sa likod. Sa sobrang higpit nito ay halos hindi na ako makahinga. Patuloy akong nalulunod sa dilim.

Hawak hawak nila ang ulo ko. Kumirot ito na para bang tinutusok ito ng karayom sa sobrang sakit. Sinubukan kong kumawala pero hindi sapat ang lakas ko sa mga humahatak sa akin.

Biglang tumigil ang paghatak sa akin at pakiramdam ko ay ako na lang ng mag isa sa loob ng malaking cabinet, Hanggang sa wala na akong makita kundi itim na lang.

Kinapa ko ang paligid. Wala akong mahawakan. Nandoon pa rin ang takot ko na baka may kung ano akong mahawakan. Linakasan ko lang ang loob ko.

At may nakapa ako. Isang medyo manipis na parang libro. Libro nga ba? Hindi ko makita sa sobrang dilim. Sinubukan kong buklatin pero hindi ito nabubuklat. Tumunog ito na parang may nilalaman sa loob. Plastic case ito.

Wait. Ito na ba ang...?

Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa mga balikat ko. Matindi ang pagkapit sa akin at iniyuyugyog ako .

At nagising akong pawis na pawis at naghahabol ng hininga.

Ang una kong nakita ay ang mukha ni mama na yinuyugyog ako. Masakit ang ulo kong bumangon.

"Are you okay, anak?" tanong ni mama.

Tumango lang ako habang hawak hawak ko ang ulo ko.

"Umuungol ka sa takot kanina. Bumangon ka na diyan at nakahanda na ang breakfast"

What was that?!

Panaginip? Bangungot to be precise. Nakakainis na bangungot. Tsk!

Matapos kong maghanda ay nagulat na lamang akong nakahanda na ang breakfast. Si mama ang nagluto sabi ni Ayako sa akin. Kanina pa pala sila gising ni Rio. Nakaupo na silang lahat kasama si Papa. Umupo na ako habang si mama naman at inilalagay na ang pagkain sa mesa. Inihabol rin niya ang sliced apples. Nagulat na naman ako when she bowed to all of us, apologizing for all the commotions that caused us. I don't want to feel awkward now. Ang aga aga. Pero mas napuna koa ang nakalagay na gauze sa ulo niya. Injury niya ito dahil kay Yamamura kagabi. Kaya pinaupo ko na si mama. Nakakahiya dahil ipinagluto niya pa kami ng makakain. Well, she's my mom after all. Nagpasalamat ako sa pagpapatulog niya samin dito. She also thanked us. And then we eat like normal. Well, I would like to think that way.

Habang kumakain kami ay biglang nag ring ang phone ko. I excused myself. And went to my room. Baka kasi sa school na pinagtatrabahuan ko or sa Peculiar Magazine.

It's a new number.

"Hello?"

"Is this Yuya Kobayashi?" sagot ng babaeng may mababang boses sa kabilang linya.

"Yes?"

"I have been looking for you. I will be in Shibuya. I would like to meet you about 23:57." Sagot niya at dito niya na nakuha ang atensyon ko.

"Who is this?!"

"Let me introduce myself, I am Risa Miyake. I am the one who wrote in the blog years ago. You contacted me before when you commented."

At nag flashback lahat ng nangyari. Naalala ko ang blogpost noon na nabasa ko at iniwanan ko ng comment along with my email address.

2011年1月27日。

23:57Where stories live. Discover now