1st Incident: Smile 笑顔

91.4K 2.7K 494
                                    

 Note: First of all, maraming salamat sa mga nagbasa at sa nag comments at votes. Ang talagang purpose ko lang ay isulat ang concept ng 23:57 at wala akong pen at paper kaya Wattpad ang naging medium ko. Hindi ko inaasahan na makaka receive ito ng mga inspiring feedback. Yung time na bigla na lang ‘boom!’ may mga ideas na pumapasok sa utak ko at kailangan kong maisulat ito. “Goosebumps”, that is the keyword at nagpapasalamat ako at nabasa ko ang keyword na iyon mula sa inyo. Kaya kanina ay nakapagsulat ulit ako ng isang chapter (habang pauwi galing Shibuya). I have decided! I will expand the story further and do my best in this title and please keep on telling me your thoughts. 

 To get the clearer picture of the overallflow of the story, please start reading the prologue. Salamat ulit ng marami!  And now, let’s begin…

“ And that is the 23:57 urban legend. Creepy ‘di ba?”  kwento ni Ayako sa akin matapos niyang inumin ang hot milk tea niya at inilapag ang tasa sa wooden table. Binasa niya ang buong kwento ng urban legend sa webpage screen ng notebook niya. Umiikot na rin kasi ang urban legend na ito sa internet at sa palagay ko sikat na ang kwentong iyon. Ako na lang yata ang hindi nakakaalam nito.

 “I don’t think that’s creepy at all. Di ba parang publicity na rin ito ng Private I Café, kung saan nandito tayo ngayon, ang urban legend na ‘yan? Haha! Sure, marami silang nakangiti and it’s weird and then what? Tokyo is the safest city in the world!” sagot ko na may halong pagka-pilosopo habang tinitignan ko ang mga kuha kong photos ng Shibuya sa DLSR ko. Pilosopo man gang sagot ko pero totoo yung trivia ko about Tokyo. Well back to the main point, hindi ako naniniwala sa mga urban legends. Kasi— Urban legends nga di ba?

  

“Whatever, Yuya. I still think it is creepy.” sabi ni Ayako sa akin na kinuha ulit ang tasa niya ng milk tea at nagpatuloy sa pag inom. At tinuon niya na ang attention niya sa notebook at nag type habang ako ay tuloy tuloy pa rin sa pag browse ng photos na kinuha ko kanina. Naramdaman kong parang gusto niya akong sabihan ng “Shut up” pero wala naman siyang sinabi. But her actions tell it all. Alam kong matapos niyang magkwento ng mahaba ay parang unintentinally na natabla ko siya. Pero hindi ko talaga trip ang urban legends. At kahit maganda ang ambience ng café, nagkaroon ng awkward silence matapos naming mapag usapan ang urban legend ng 23:57.

  

Ako si Yuya Kobayashi. 20. Isang Japanese language student at part-time English teacher. My dad is a Japanese national engineer at ang mom ko naman ay Filipina na dating English teacher sa Tokyo. Si Ayako Mendez, na kasama ko ngayon, ay katulad ko rin na Japanese-Filipino na English teacher. 18. Co-teacher ko siya pero ahead ako sa kanya ng two years. In Japanese terms, I am Ayako’s sempai (senior).  We are in a relationship. Though, I think, mukhang nasusubukan ang relationship namin ngayong nagmistulang walking contradiction ako sa kinahuhumalingan niyang urban legend.

  

Maaga pa lang ay nasa Private I Café na kami dahil parehong off namin sa part-time job as English teachers sa Tokyo. Tambayan na naming dalawa ang café na ito dahil bukod sa napakagandang ambience at pareho kaming mahilig magbasa ay Pinoy ang may ari nito. Isa itong multimedia and book café na may two floors. Red, yellow and white ang main colors ng lugar pag tinignan mula sa labas pero ang interior ay variety of mint green colors. Kaya siguro ganito ang kulay ay para malamig sa mata ng mga customers—dahil nga book café ito. May library section na pwedeng basahin ang wide variety of books. Pwede mo rin bilhin ang natipuhan mong libro. May section din for computer users kung saan pwede kang mag focus at walang manggugulo sayo. At kapag gutom ka na ay maaari kang mag order ng variety of drinks at light meals. Ang pinaka paborito kong spot ay ang hang out section, na kung saan ay nandito kami ngayon. Ito ay may mga blue-green na beanie bags na nakalapag sa sahig at maari kang magstay dito para kumain, uminom and/or gumamit ng notebook. Isa itong perfect place to slow down. Isang “laid back” shelter sa realidad na sobrang bilis at busy na lifestyle sa Tokyo. Nalaman lang namin ni Ayako ang lugar na ito couple of months ago. Kasabay ng paglabas at pagkalat ng iba’t ibang balita tungkol sa mga nawawalang tao hanggang sa pagsikat ng 23:57 urban legend.

23:57حيث تعيش القصص. اكتشف الآن