35th Incident: Thirteen 十三

19.2K 758 403
                                    

Note: Thank you for the overwhelming support that you have showed me for this story

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Note: Thank you for the overwhelming support that you have showed me for this story. Inabot man ako ng taon para maisulat ito ay nagpapasalamat ako sa mga suportang natatanggap ng kwentong ito. I am very much inspired by your feedback.

And now, let's proceed to chapter 35...

Mahapdi pa rin ang mga mata ko kahit nahimasmasan na ako sa kakaiyak. Tulala lang akong nakaupohabang hawak ko ang stone na gawa sa ashes ni mama.

Kumikirot ang ulo pero wala na akong gana para intindihin pa ang sakit. Kaya pala kumikirot ang ulo ko palagi ay tumama ito noon sa edge noong 23:57 Suicide incident. Ngayon ay naiintindihan ko na. Pero sa totoo lang, kahit bumalik na ang lahat ng mga missing memories ko, na realize ko na mas okay pala kung hindi ko na lang naalala. Somehow, I have regrets knowing that I have a dark past that is now destroying my present and is going to affect my future. Ano na nga ba ang gagawin ko ngayon? Paano pa ako magpapatuloy? Ako ang susi ng lahat ng ito. Ako ang survivor. Isa lang ang ibig sabihin nito.

I am the only person who can put an end to this curse.

Nakikita ko si Ayako na nagbabalat ng prutas. Sa gitna ng lahat ng mga nangyayaring kababalaghan sa amin. Isa lang ang sigurado ako ngayon. Gusto kong maprotektahan ang babaing nasa harap ko.

"Ayako, may naisip ka na bang pangalan ng baby?" tanong ko lang para mabasag ang katahimikan.

"Wala pa." sa tono ng boses niya parang naging uncomfortable siya. Nahihiya ba siyang pag usapan ito?

"Kapag lalake, gusto ko sana Yue. Kapag babae, Yuuki."

"Bakit naman? Puros Y ah. Walang A. " tanong niya.

"Yuuki means courage in Japanese. Yue means moon in Chinese." Simple kong sagot sa kanya habang sinulat ko sa ere ang Japanese at Chinese characters ng pangalan.

"Gusto ko yan." Habang natatawa siyang nagpatuloy sa pagbabalat.

Ngumiti lang ako at binalikan rin ako ng ngiti ni Ayako. Inabutan niya ako ng peeled apples. Madalas rin itong ginagawa ni mama sa akin noon. Naalala ko na naman si mama. Kung kaya ko lang umiyak pa, iiyak pa ako. Pero ubos na lahat ng maaari kong iiyak.

"Tatlong araw na pala akong nandito. Anong nangyari habang unconscious ako?" tanong ko kay Ayako.

"Inaral namin ang laman ng filecases. May mga nalaman kami tungkol sa connections ng mga nag suicide noon." Sagot ni Ayako sa akin.

Sasagot na sana ako at magpapaliwanag sa bumalik na ang memories ko pero may kumatok bigla sa pinto. Si Rio, Risa at Mamiya-san ay pumasok.

May dala dala silang mga prutas para sa akin. At napansin ko rin ang mga dala nilang mga magazines, and newspapers. Inilapag nila ang newspapers at magazines sa mesa. Hindi na ako nagsalita.

"How are you?" tanong ni Mamiya-san sa akin.

"I am good." Sagot ko. "And now that all of the remaining cursed ones are in here, I have to tell you something."

23:57Where stories live. Discover now