14th Incident: Friday 金曜日

26.8K 1.1K 539
                                    

Note: Second Arc na tayo at two chapters na! Totoo ba 'to? Highfive tayo! Sa mga nagtatanong ng maraming bagay tungkol sa 23:57, hinay-hinay lang po. Chill lang kayo guys, mahina ang kalaban. Haha! Siyempre, may tamang scenario at panahon para malaman ninyo ang sagot sa mga misteryo. Pero may ibang misteryo na- sabihin na lang natin na, mananatiling misteryo. *wink* That's what paranormal is all about. Nga pala, nalaman ng tita ko na sinusulat ko ito kaya nag purification session kami sa isang paranormal expert. Para daw hindi ako dapuan ng negative aura tuwing nagsusulat ako tungkol sa supernatural beings like grim reapers, ghosts, demons and etc. Pero dahil pasaway ako, nagsulat pa rin ako ng isang chapter. Haha! Salamat sa mga gumawa ng fanart ng 23:57! I love you all! Marami pa akong gustong sabihin pero mas importante ang content ng chapter na ito kaya, tara na!

And now, let's proceed to chapter 14...

Nagulat kaming lahat sa nakita namin.

Ang kapatid ni Ayako ay akap-akap siya sa likuran nito.

Nakikita rin pala ng mga kasama ko ang babaeng ito?

Napasigaw si Daisy sa takot at bumangon sa pagkakahiga. Kaya lang nakalimutan niyang may mga bali ang ribs niya at hindi pa talaga siya magaling. Nagsuka siya ng dugo. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Oliver assisted her. Pero maski siya ay natataranta.

Gusto kong alalayan sina Oliver at Daisy.

Kaya lang...

Biglang nasa harapan ko na ang nakangiting babaeng ito at sinakal niya ako. Sa palagay ko alam ni Ayako ang buong pangyayari. Aware na siya sa existence ng kapatid niyang nanggugulo.

Pinigilan niya ito sa pagsakal sa akin. Umiinit na ang mukha ko at hindi na rin ako makahinga.

"Ayame!" sigaw ni Ayako sa duguang babae.

Ayame... Is this the name of that horrifying sister who keeps on bothering us?

Pansamantalang natoon ang pansin ng duguang babae kay Ayako. Napansin ko na lang na nawala bigla ito.

Nagulat ako nang makita ko si Ayakong napayuko at ngumiti. Ang ngiting madalas kong makita kapag nagiiba na siya.

Matalim ang tingin sa akin ni Ayako kasabay ng pagngiti at pagdurugo ng mga ngipin nito.

Shit! This is bad!

Agad akong binalikan ng sakal ni Ayako. Or ni Ayame. Whoever this is!

Lumalabo na rin ang paningin ko at wala na akong kawala.

Nakita ko na lang si Oliver ay inalalayan si Daisy para makaalis sa kinahihigaan niya.

Napatakbo si Investigator Yamamura sa may pintuan. Palabas na siya ng mabangga niya ang papasok na nurse.

Si Nurse Riiko!

All of a sudden, biglang bumalik si Ayako sa sarili niya. Nagulat siya nang makita niyang hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang leeg ko. Hindi siya makapagsalita at nakatingin lang siya sa mga kamay niya habang nangingilid ang mga luha sa nanlalaki niyang mga mata.

"What are you doing to the patients?!" galit na galit na pasigaw ni Nurse Riiko. "Please get out immediately!"

Agad na pinalabas sina Ayako, Oliver at Investigator Yamamura sa kwarto naming ng mga security sa ShibuyaHospital. I think they were marked as threats to the patients.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon