3rd Incident: Surgical Mask マスク

41.2K 1.7K 506
                                    

 Note: 3 is my favorite number kaya gusto ko 100% in great condition ako habang sinusulat ko ito. Haha! Nakita ko na may character casting section dito. Kung kayo ang tatanungin, sino sa palagay ninyo ang pwedeng maging Yuya at Ayako? I am reading all the wonderful comments! Thank you ulit! Sa mga nagtatanong kung ang 23:57 ay totoong urban legend ba sa Tokyo. Hindi po. Likhang isip ko lang po ito.  And now, let’s proceed to chapter 3…



 “Mag taxi na lang tayo! Let’s get out of here!” Hatak-hatak ko si Ayako papalapit sa hagdanan na binabaan naming kanina.

 “What? Nandito na yung train o!” sagot ni Ayako.

 Involuntarily, napatingin ako sa train pero tuloy tuloy pa rin ang paglalakad namin. Katulad ng nasa sa urban legend story, walang katao-tao sa loob ng train. Which leads me to the question…

 Is it really okay to get in the train?

Paano kung mangyari nga yung urban legend at nasa loob kami ng train?

Dead end.

Paano kung wala lang talagang tao sa loob ng train at hindi totoo ang urban legend thingy na ‘yun?

Eh di parang tanga lang kaming  pumunta dito at aalis din?

Am I being paranoid?

 Nalilito na ako. Hindi ko alam kung kailangan ba naming sumakay kami o hindi?  

 But then, I got what I wanted. I took the photos of the digital clock already.

 Kaya sasakay kami ng taxi para sure safe. Tama, yun ang gagawin naming dalawa.  It’s funny na ako pa ang gustong umalis samantalang ako itong hindi naniniwala sa urban legends.

 Sumara na ang pinto ng train at tumunog na ang beep. Usually, may train staff na magsasalita gamit ang megaphone announcing that the door is closing and the train is about to leave. Pero walang train staff. Actually, walang katao-tao sa Hanzomon platform. Napahinto ako.

 Why haven’t we realized that before?

 Siguro dahil pareho na kaming pagod ni Ayako. But it doesn’t matter anymore.

 Nasa tapat na kami ng first step ng hagdan paakyat ng marinig naming ang series of foot steps sa likuran namin. The foot steps echoes.

 Tak. Clack. Shik.

 Iba-iba ang tunog ng footsteps. May tunog high heels, flats, at pati ang pagasgas na lakad ay naririnig ko. That’s insane dahil walang tao sa Hanzomon Line platform! Paanong dumami bigla ang tao sa likuran namin? Napatigil ako at tumulo ang pawis mula sa sintido ko hanggang sa panga papuntang leeg. Hindi ako makagalaw kahit gusto kong tumakbo.  Tumingin ako sa gilid na hindi ginagalaw ang ulo ko at nakikiramdam.

 “May tao pala,” sabi ni Ayako. Lilingon na sana si Ayako ng pinigilan ko siya at hinawakan ko ang ulo niya at nilapit ko sa kaliwang dibdib ko. Saka ako bumulong sa ulunan niya.

 Kailangan na nating makaalis dito.

 Agad kaming umakyat na kami ng hagdan. Nakita kong malapit na kami sa post at wall  habang na pinasukan namin. Bahagya akong napatingin sa baba ng hagdan. Nakita ko partially ang naglalakad na mula lower body hanggang sapatos. May tao nga. Naglakad papalapit ang mga tao sa hagdanan at laking gulat ko ng makita ko ang mga ito.

 Sila yung mga naka surgical masks na may red ink smile drawing! Yung mga taong nakasalubong namin sa Shibuya crossing! Naramdaman kong napapisil si Ayako sa braso ko. Nagulat din siya sa nakita namin.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon