Chapter 16:

19 1 0
                                    

Azilah's POV

         Hindi ko alam kung bakit ganito kagaling makipaglaro ang tadhana. Parang kanina lang pinaguusapan namin siya tapos bigla bigla nalang namin siyang makikita at makakausap ulit sa pangalawang pag kakataon.

Tulad ng inaasahan ko, may kakaiba pa rin akong nararamdaman sa tuwing malapit ako kay Knox.

Parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung bakit andito na din siya sa manila. At sure ako na hindi yun dahil sa akin.

Ang kapal ko naman para mag assume. Tska isa pa...

Malinaw sa akin ang lahat. Lahat ng ginawa niya.

Tanga na ako kung mahuhulog pa ulit ako sa mga mapanlinlang niyang ngiti.

"Akin na phone mo"

Binalingan ko naman si Rence na pirming naka upo sa sofa katabi ko.

"Sagutin mo muna tanong ko."

Haplos haplos ko ngayon ang tutang nabili ko. Hindi ko pa alam ang ipapangalan kaya nagtatanong ako sa lalaking toh na mukhang wala namang taste.

"Tsk, easy..."
Sabi niya at kunwaring nag isip.

"Whitey."

Napakunot ako sa sinabi niya.

"Can't you be more creative? Tsk"
Inirapan ko siya. Haist sabi ko na nga ba wala akong mapapala sa lalaking toh. Si Chloe nalang ata tatanungin ko.

"I already answered your question. Now give me your phone."

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at ibinigay iyon sa kanya.

"Ano bang gagawin mo dyan? Parang wala kang cellphone ah.."

Hindi niya ako pinansin at sinimulang kalkalin ang laman ng phone.

"Pangit"
Sabi pa niya habang nakatingin sa wallpaper ko which is my picture.

Abat! Ang yabang talaga! Akala niya gwapo siya? Huh! Mukha siyang aso!

Sinamaan ko lang siya ng tingin at di na nag comment pa.

"What the fck?!"

Hinampas ko siya sa braso dahil sa panggugulat niya. Ano bang ginagawa niya? Nagising tuloy yung aso ko!

"Mr. Montemayor?!"

Tinitignan niya pala yung name niya sa contact list ko.

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. Ako naman itong pinipigilan ang tawa dahil sa reaksyon niya.

Bakit? Anong mali sa Mr. Montemayor?

"Sobrang formal! Tsk, buti pa si dad 'Tito Mico' tsk tsk tsk!"

HAHAHA naiinis ba siya? Dahil lang doon?

Nagsimula siyang nagtipa. Hulaaan ko, pinapalitan niya name sa contact list ko...

"Here..."

Inabot na niya sakin pabalik yung phone ko.

As expected—

"Ewwww! Mr. Gwapo? Yuck?"

Inirapan niya ako.

Hahaha teka, bakit ganun? Ang cute niya umirap! HAHA!

Parang ginaganahan tuloy akong asarin siya. I wanna see him roll his eyes more often.

I heard him sigh before looking at me.

Napatingin na din ako sa kanya. And for some unbelievable reason, para akong namagnet sa mga mata niya.

First time kong tumitig sa mata niya ng ganitong katagal. Parang sobrang tahimik ng paligid.

Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now