Chapter 36:

36 2 0
                                    

Third Person's POV

 

                Hindi mapakali sa kakalakad si Rence habang nakakagat sa daliri. Punta dito, punta doon ang ginagawa niya. Segu-segundo din siyang sumisilip sa pinto.

Nasa labas sila ng ward ni Azilah. Silang lahat. Si Gien, Aeron, Kai, Hance, At Zach.

Tuwing may dadaan na babae sa hallway ay mapapatingin at mapapatili sa kanilang anim.

Ikaw ba naman ang makakita ng anim na prinsepe.

"Ipaliwanag niyo sa akin yung sinasabi niyong plan E"
Seryosong tanong ni Rence sa kanila.

"Ito... Ito yun.."

Napakunot siya sa sinabi Zach.
"Kapag hindi mo pa siya kinausap after ng plan D niya which is yung kanina, gagawin niya ito.. Magpapanggap siya na nahospitalized para makuha ang attention mo.. Pero cinancel niya iyon kaninang umaga lang"

Paliwanag ni Hance.

"Magmumukha kasi daw siyang desperada. She'll let you go after her plan D. But unexpectedly, nahospitalized nga siya..."

Napapikit ng mariin si Rence at napasandal sa pader.

Hell, nakokonsensya na naman siya.

Azilah was doing a HUGE effort for him, but he still chose to stay away from her!

Napatayo silang anim nang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas ang doctor.

"Doc, how's my sister?"
Tanong agad ni Aeron.

Takot at galit ang nararamdaman niya ngayon. Takot dahil hindi niya kakayanin na may mangyari pang masama sa nag iisang pamilya niya.

"Kayo ba ang pamilya?"
The doctor asked.

Nais sanang sabihin ni Rence na siya ang asawa, pero naalala niyang tatlong buwan na pala silang hiwalay. Pero ano naman? Mahal nila ang isat isa.

"Yes doc" -Kai

"The patient need plenty of rest. Her blood sugar was drained and his immunity was weak kaya nawalan siya ng malay kanina. Pwede mangyari ulit iyon kahit anumang oras. I saw her student's id. She's a interior designer student, am i right? Madalas ba siyang magpuyat?"

"Yes doc, gabi gabi siyang puyat. Naaabot niya ang  4 am ng umaga dahil sa mga projects"
Sagot naman ni Gien na puno din ng pag aalala para sa kaibigan.

Nawala na din ang inis ni Rence sa kanya nang malaman ang mga kabutihan at tulong na naibigay niya kay Azilah sa mga panahong kailangan niya ng tulong.

"She just need rest and avoid some stress. Magbibigay din ako ng vitamin na kailangan niya."
Sabi ng doctor.

"Kelan po siya magigising?"
Tanong ni Rence.

"Mayamaya magigising na siya. Remember to feed her green vegetables and fruits"
The doctor said before walk away.

Isa isa silang pumasok sa kwarto at nadatnan ang natutulog na si Azilah.

Parang Anghel lang na nakahiga sa kama.

Umupo sa gilid niya ang dating asawa at hinawakan ang kamay. "This girl.."
Uni niya na parang sesermonan na naman ang dalaga pero napalitan ang lahat ng ngiti nang maalala ang sinabi ng dalaga kanina sa club.

Unang beses niyang narinig ang mga salitang iyon galing sa dalaga and he swear, he saw heaven.

Nasa kabilang gilid naman si Aeron.
"You're lucky to have my sister, Rence"
He said.

Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now