Chapter 23:

20 2 0
                                    

Azilah's POV

            Nakatayo ako ngayon sa harap ng classroom ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano. Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong hindi ako kinakabahan. It's normal for a introvert like me you know. Haist binabawi ko na yung sinabi ko kanina, sana biglang dumaan si Rence dito (though impossible kasi magkaiba kami ng building) , huhuhu siya lang kasi ang kilala ko dito eh!

Napalingon ako sa magkabilang hallway.
(00_)

    (_00)

Haist Rence, asan kana ba?—

"Azilah?"

Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang isang pamilyar na boses. Parang tumigil na naman ang galaw ng sistema ko nang tuluyan ko na siyang makaharap.

"What a huge coincidence, pinagkita uli tayo ng tadhana!"
Masayang sabi pa niya.

"A-ah.. Oo"
Si Knox... Na naman.
Mukhang dito din siya nag aaral, nakasuot din siya ng uniform na katulad ng akin. Permanente na din siguro siya sa Manila.

"Dito ka din mag aaral?"
He asked.

Pinagsadahan ko ng tingin ang sarili at uniform ko.
"Hindi ba obvious?"

Tumawa siya ng mahina. "You're still rugged as ever"

Napatango nalang ako sa kanya. Totoo naman eh. Lalo na nung mameet ko ang hinayupak na si Renc—

"Bakit di ka pa pumapasok? Are you waiting for the dean to lags you huh?"

Napalingon kami ni Knox sa gilid. Speaking of the devil....

Madilim ang mukha nito at salubong ang kilay nang makita kami. May kasama din siyang dalawang gwapong lalaki, mga kaibigan niya siguro.

Sasabihin ko ba ang dahilan kung bakit pako nasa labas?

"Hi Rence, nice to meet you again" bati ni Knox na nilagpasan lang ng mukong na si Rence. Inakbayan niya ako at tinignan sa mata.

"Are you nervous?"

Dahil nasa tapat kami ng pintuan, kitang kita kami ng mga Estudyante sa loob ng classroom. Nagtilian naman ang mga Estudyanteng babae nang makita ang lalaking kasama ko ngayon.

So nagsasabi nga siya ng totoo, sikat siya kahit sa mga freshmen.

Tumango ako bilang sagot.

"Ah, Azilah.. Mauna na ako sa inyo, may klase pa ako"
Paalam naman ni Knox at naglakad na paalis.

"Cge" mahinang sabi ko lang. Ayokong mapalapit ulit sa kanya lalo na ngayon na mukhang pinaglalaruan na naman kami ng tadhana.

"Woah Dude, siya pala yung asawa mo! Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na dyosa pala siya!"
Napatingin ako sa isang kaibigan niya. Blonde hair ito at matangkad. Well, silang tatlo naman. Makisig din ang katawan nito parang si Rence. Mukhang chicboy nga lang.

Ngayon ko lang narealize yung sinabi niya. Shit, alam nila na mag asawa kami!

"Ikaw na ang nagsabi Z, ASAWA niya. Kaya wag mo ng pangarapin si Mrs. Montemayor"

Sagot naman nung natitirang lalaki. Sobrang attractive din ng mukong, mukhang koryano! May maliit din siyang dimple sa left cheek. Siguro, siya ang pinakaseryoso sa kanilang tatlo.

"Sa papel lang naman sila kasal ah"
Sabi nung lalaki na Z ata ang pangalan. (Ang tipid Author ha)

Ay teka... So ibig sabihin alam nila na pilit lang ang kasal? Nakwento kaya ni Rence? Malamang selp, sino pa bang ibang gagawa? Tsk.

Stashing FeelingsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora