Chapter 30:

25 1 0
                                    

Rence's POV


           "That's a bit weird..." Umpisa ko.
"It feels like.. Everything was connected simula nung kumalat ang rumor na kami ni Shiela sa buong school, ngayon lang nangyari yun, patungo doon sa post ng group page.."

Kumunot ang noo ni Hance sa sinabi ko habang patuloy pa rin sa paglamon si Zach.
Pinapunta ko sila dito sa mansion pagkatapos kong ipagluto si Azi na tulog pa rin hanggang ngayon. I just need someone to talk about this weirdo feeling.


"You're right, our group page do not post something like that kahit valentines pa yan" Hance agreed.

Tumango tango ako. Para kasing... Nakatutok lang sa aming dalawa ni Azi yung mga nangyayari.

"Alam niyo sa tingin ko..."

Napatingin kami kay Zach nang tumigil ito sa pagnguya at hinarap kami. Seryoso siya kaya seryoso din kaming nag intay ng sasabihin niya.

"Naprapraning na kayo."

—____—

Binato ko siya ng unan galing sa sofa.

"Nonsense, Zach" -Hance.

"Teka lang kasi, look, wala naman sa rules ng page na bawal mag post ng mga ganun tulad ng famous couple sa loob ng University—"

"One more word about them being couple and i'll cut your head off"
Banta ko.

Isinara nito ang bibig at umaktong parang zine-zipper iyon.

"You both have point. So, it'll just depend on what will happen" said Hance while playing with his hair.

"Meron pa. The sudden appearance of Knox when Azilah was in danger. Take note, that way was the opposite of his way home. That's weird"
I said again.

Napakurap lang si Hance na parang nagiisip.

"Pero malay mo bumili lang siya doon sa sikat na milktea shop. Malapit kasi sa daan na iyon yung shop"
Pag eepal muli ni Zach.

"Milktea at past late night? Are you even thinking?"

He pouted, "I'm just saying"

"Don't worry, we'll watch everything. For now, asikasohin mo muna ang asawa mo. She needed you more. Kelangan mong bumawi"

Makatutuhanang sabi naman ni Hance.
"True" segunda ni Zach.

"Hindi na kailangan"

Sabay sabay kaming napalingon sa likod kung saan nakatayo ang nagiisang babaeng tinutukoy namin. Nasa dulo na ito ng hagdan at mukhang kagigising lang dahil sa pamumungay ng mata.


Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para alalayan sana kaso agad niya ring iniwas ang sarili sakin. Shit, ito na nga bang sinasabi ko..

"Hindi ako pilay, kaya pwede ba"
Malamig niyang sabi habang hindi nakatingin sakin.

"But your waist..."

"I can handle myself ALONE"

Ramdam ko ang inis mula sa kanyang tono. Well, i deserve it. It was my fault.

"Ahh.. Bro, Azilah, mauuna na kami. Late na din kasi. Bye, pagaling ka Azilah"
Paalam ni Zach habang tumango lang si Hance. Naglakad sila palabas at sinara ang pinto.

Napuno ng katahimikan ang sala. She started walking and i tried to held her but she averted her arm.

Walang lumabas na salita mula sa bibig niya at naglakad papuntang kusina. Sinundan ko lang siya at pinanood.

Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now