Chapter 20:

25 1 0
                                    

Azilah's POV

               Ilang beses ko ng inayos ang buhok, gown, at love white gloves ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. Tatayo at uupo na ang pinaggagagawa ko pero hindi pa rin ako makakalma.

Ilang beses na nga akong pinagalitan ni Chloe dahil masisira daw ang pinag ayos niya sa akin dahil sa ginagawa ko.

Eh sino ba naman kasing hindi kakabahan? Siya kaya patayuin ko dito, palit kami ng posisyon.

Kinakabahan ako ng bonggang bongga!

"Stand still, in any second lalabas na tayo"
Seryosong sabi ni Myke.

Nasa van kaming tatlo ni Myke at Chloe. Sila ang bestman at bridesmaid. Ang pinagtataka ko lang, bakit pati yung bestman kasama ko?

Anyway, naka ayos na kaming lahat,maski ako. (malamang, may bride ba na hindi naka ayos sa kasal niya?)

Hindi ako sanay sa make up kaya si Chloe ang kinuha kong mag aayos sa akin dahil alam niya yung mga brand ng make up na gusto ng balat ko.

Omayghad, this is it. Ito na ang bunga ng unwise decision mo bruhang selp!

"Ang ganda ganda mo Azilah! Bagay kayo ng groom mo. Shocks, bakit ko ba naisip na tibo ka dati eh mas maganda kapa sakin?"

Bola ni Chloe.

"Tsk, wag mo na nga akong bolahin. Wala akong pera"

Matabang kong sabi sa kanya.

"Aish! Pinagmukha mo pa akong mukhang pera. Kaibigan ba talaga kita Azilah?"

Medj natawa nalang ako sa sinabi niya. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Napansin din siguro nila na kinakabahan na ako ng sobra.

Okay self, kalma ka lang. Isang beses lang mangyayari sa buhay mo yung mga ganitong okasyon kaya kumalma ka okay? Just enjoy this forced wedding then go back to your normal life.

Normal life? Magiging normal paba gayong alam ko na pagkatapos ng araw na ito hanggang sa habang panahon, dadalhin ko na ang apelyido ni Rence?

Habang panahon? Sus, baka magsawa din sa akin si Rence at pilitin niya ang daddy niya na mag divorce na kami. Edi mabuti!

Haist ano ba yan, ikakasal pa lang ako pero divorce na ang iniisip ko. Ang lufet!

"It's time, let's go."

Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Myke. Hinawakan naman ng mahigpit ni Chloe ang kamay ko.

"Wag ka ng kabahan. Isipin mo nalang, maganda ka"

"Ha? Ganon ba yun?"

"Of course! Confidence is a must. Kaya let's go naaa!"

Excited na sabi niya. Bumaba na kami ng van at naglakad. Nasa harap na kami ng pintuan ng simbahan. Sa likod niyan, naghihintay ang taong papakasalan ko.

Sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa kasal, hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko. Anong magiging plano ko?

Panghabang buhay ko ba siyang pakikitunguan ng pilit? Or should i down my defence in my heart and start learning to love him? Besides, he'll be my husband. Pero hindi, ayoko ng masaktan uli. Ayoko na...














Third Person's POV

         Tulad ni Azilah, hindi rin mapakali sa kinatatayuan altar si Rence. Panay ang tingin niya sa daddy, sa mga kaibigan ni Azilah,at sa pinto na kanina pang hindi bumubukas.

Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now