Chapter 19:

20 1 0
                                    

Azilah's POV

         "Aishh! Wag ka ngang makulit Damdam! Be-behave ka o Hindi kita patutulugin sa kwarto!?"

Para akong bata na may kaaway sa kakasigaw kay damdam.
He just disorganised my things! For pete's sake, pinaghirapan kong ayusin ang mga yun. HUHUHU T^T

Nagpabebe naman kuno ang baby kong iyon at kunwaring nagsisisi sa ginawa niya.
Aba't alam mo ng umarte ngayon?

Huhuhu, kanino kaba nag manang aso ka, ha?

"Ang baho mo na Damda—"

"BOO!"

Napasigaw ako sa gulat at muntikan ko pang naihagis sa kanya ang hinahaplos kong aso na si damdam.
Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat habang siya ay hagalpak ng hagalpak sa kakatawa.

Pano siya nakapasok sa sala ng hindi ko nararamdaman?

Am I spacing out again?

"RENCE JACE MONTEMAYOR!!!"

Lalo lang itong humagalpak nang makita ang naiinis kong mukha.

Kung di lang siguro toh anak ni tito Mico, kakasohan ko toh ng trespassing. Kainis!

Naiinis talaga ako sa pagmumukha ng taong ito.
Nakaka highblood! Nagmumukha akong grumpy granny sa tuwing kasama ko tong walang hiyang taong toh.

May oras ka din saking hayup ka.

Pano nalang kaya kapag kasal na kami? Susmaryosep, baka araw araw may gyera sa bahay. Matira matibay.

"Ano ba kasing iniisip mo na pati pagpasok ko, di mo napansin? Mananakawan ka ng di mo nalalaman niyan eh"

Sabi niya sabay tawa ulit.

Alam ba niya kung gaano nakaka highblood ang tawa niya?
Nakakainsulto!

"Bakit kaba kasi andito ulit kasama yang pangit mong pagmumukha ha?

Inis kong sabi sa kanya.
Wala na atang pagbabago. Walang time na hindi ako naiinis kapag nakikita ko siya. Para ngang pinaglilihian ko siya na ewan. Oh well, that's impossible. I'm still holding my virginity.

Siya lang ang nakakapaglabas ng pagiging war freak ko. As in siya lang. Sa dami ng haters—mga babaeng naiinis sa akin o naiingit dahil papakasalan ko daw ang man-of-their-beds kuno, sa kanya lang kumukulo ang dugo ko.

I am matured enough to not deal with those bitches.

Speaking of, nagawa na kaya niya ang bagay na iyon sa kama?

Maybe yes, maybe no.

He lived almost 20 years before i met him and got engaged with me. There's a big possibility.

"What? Ang gwapo ko kaya"

Mayabang nitong sabi sabay haplos ng mukha.
Umupo ito ng pagkalapit lapit sa akin. Ako naman itong napa atras dahil sa conscious. And it fckning made him smirk like a jerk!

"Tsk, wala ka ngang laban kay Su Muyun eh.."
Bulong ko pa.

"Sino naman si Su Muyun?"
Ay anak ng tokwa, narinig pa niya yun? Ang talas naman ata ng pandinig niya. Bagay niyang maging tsismoso.

"Asawa ko.. Pati na rin si Jian Yang, Lu Jing, He Qiaoyan, at Lu Xiao"
Mga c-drama characters ang tinutukoy ko. Fan din kasi ako ng Chinese Drama, siguro kasi familiar na ako sa language nila.

"Tsk, ako naman yung magiging legal mong asawa"
Mahina nitong sabi na hindi ko naintindihan.
Ang daya naman, bakit ako mahina ang pandinig? Haist, kaya madali ako naba-back stab nito eh...

"Huh?"

Prangka lang itong tumingin sa akin at nakakalokong ngumiti.

"Wala wala, sabi ko nagugutom ako, may pagkain kaba dito?"

Aba iniiba na ang topic.

"By the way, get ready. Pag naging asawa na kita, ikaw na ang magluluto ng kakainin ko"

Nakakaloko pa nitong sabi bago kumaripas ng takbo papuntang kusina.

"Ano ka sinuswerte? Manigas ka diyan sa gutom! Hindi moko yaya! Hmmp!"

Napaka demanding talaga ng lalaking yun, tsk! Sarap pukpukin sa ulo. Nangangarap siya ng gising, hinding hindi ko siya lulutuan, no no no!

May atraso pa nga siya sa akin nung last time akong nagluto.
Huh! Manigas talaga siya

Itinuon ko nalang ang pansin kay Damdam na mahinhin ng natutulog ngayon. Muntik ko ng makalimutan, Sabado na pala ngayon.

Tomorrow will be our last day as singles.

Tuluyan na kaming matatali sa isa't isa.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya simula pa nung umpisa, parang wala lang kay Rence ang lahat? He even seems enjoying this forced marriage.

Does he have something to do with this arrangement?




























Rence's POV

       Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ngayon. Kung malulungkot ba o sasaya. I am hesitating with no reason and it fckng tortures me!

I should be glad. Cause finally, she'll be with me for a lifetime.

Teka,

Lifetime nga ba?

Kung hanggang ngayon hindi pa niya ako naaalala at nakikilala?

"Kuya, nakaready na ang sasakyan papuntang simbahan. Alis na tayo maya maya"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Aeron at pinagpatuloy ang pagtitig sa larawang nasa harap ko. Matagal ko na itong tinatago. Ngayon ko lang uli nailabas. Sa tuwing nakikita ko kasi ito, nalulungkot ako ng walang dahilan.

Tinitigan ko ang batang babae sa picture frame.

C'mon darling, we've been together for so long. How come you really forget about me...

Am i not really important to you?

Tumayo na ako sa swivel chair at inayos ang nagusot kong tuxedo. Tinignan ko muna ang picture frame na iyon bago tuluyang lumabas ng kwarto.




Am i really not, Azilah?

















Stashing FeelingsWhere stories live. Discover now