PBB 2

54 6 1
                                    

Magtatanghali na ay wala pa ring inaanunsiyong task si Big Brother kaya tuloy lang ang normal na buhay sa loob ng bahay.

Napagdesisyunan ng majority ng housemates na mag-swimming sa pool na bagong palit ang tubig.

Bagama't naka-swimming attire si Mia ay mas pinili niyang magpaaraw na lang habang nakaupo sa beach chair.

"Mia."

Itinaas ni Mia ang suot na tinted shades nang maalimpungatan dahil sa pagtawag sa kanyang pangalan. Si Cameron pala 'yun.

"Choco shake oh. Inumin mo na habang 'di pa natutunaw." Iniabot nito sa dalaga ang hawak.

"Perfect timing ka talaga. Kanina pa nanunuyot ang lalamunan ko sa uhaw pero tinatamad lang akong tumayo para pumuntang kusina."

Napatawa sila parehas.

"You're 23 years old pa lang, 'di ba?"

Tumayo mula sa pagkakahimlay ang dalaga. Umaktong model na parang naglalakad sa runway sa harap ni Cameron. Umikot-ikot pa.

"Samia Mae Japson, 23 years old, Philippines!"

Sinundan iyon ng pagpalakpak ng kapwa housemates na naglulunoy sa swimming pool.

Kumaway-kaway at tumango-tango pa ang dalaga na animo'y kalahok sa isang pageant.

"Thank you.. thank you."

Muling bumalik ang dalaga sa beach chair.

"Lokaret ka talaga," biro ni Cameron sa kanya. Sumimsim ito sa strawberry shake na hawak.

"Ang bata mo pa para maging fan ng Westlife. Di ba kuwarenta anyos na yata sila?"

"Fangirling has no age, Ate Cameron." Sa pagkakataong iyon ay tinawag niya itong ate bilang paggalang. Siyam na taon ang agwat ng edad nila.

"Sinubukan kong maging fangirl ng mga bandang kaedad ko lamang ang miyembro pero 'yung puso ko e bumabalik sa Westlife— ouch!" Naputol ang sasabihin ni Mia nang matamaan siya ng beach ball na aksidenteng naibato sa lugar nila. Agad naman 'yung kinuha ni Kit.

"Sorry."

Nginitian lang siya ni Mia.

Muling bumaling ang dalaga sa kausap. "Pangarap kong makita sila. Akala ko nga mangyayari na 'yun. May concert kasi sila sa Pilipinas." Napapitik siya. "Oo nga pala! Ten days na lang e concert na nila." Nanlupaypay ang dalaga.

"Oh e bakit mas pinili mong pumasok sa PBB?"

Humugot ng malalim na paghinga si Mia. "Pangarap ko rin namang makapasok dito, ate. Saka malay mo 'di ba. Since aware na si Kuya na fan ako ng Westlife e baka i-surprise niya ako. Baka papasukin niya ng bahay ang mga bebeloves ko!"

Nag-apir ang dalawa habang pumapalirit sa kilig.

Tiningnan ni Mia ang webcam na nasa mataas na bahagi ng tapat nila. "Ehem, Big Brother beke nemen?" pabirong sabi niya.

"Kaya nga, Kuya. Pagbigyan mo na 'tong si Mia oh. Mas pinili ka nito kaysa makamit ang once in a lifetime experience na makita ang Westlife."

"Nangongonsensiya yarn?" natatawang sabi ni Mia.

Muli ay napahalakhak silang dalawa.

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now