PBB 6

33 7 0
                                    

Miyerkules ng umaga ay ginising sila ng malakas na tugtog ng Hello My Love. Unang-unang napabalikwas sa higaan si Mia. Parang isinasayaw siya sa ulap sa pagkakataong iyon dahil sa musikang nagmumula sa speakers ng bahay.

Tumingin si Mia sa camera sa may kanto. "Kuya, alam na alam mo talaga kung paano pagagandahin ang araw ko." Nag-flying kiss ang dalaga sa camera.

Humakbang na siya papuntang pinto. Naalala niyang ngayon nga pala ang itinakdang concert ng Westlife.

"Siguro nasa hotel na sila ngayon o nasa Araneta para mag-rehearse," bulong niya sa sarili. Tumitig siya sa kawalan habang umiinom ng mainit na kape.

"Ate Mia, 'di ba concert ng Westlife ngayon?" Si Lea 'yun, ang pinakabata sa grupo sa edad na labinwalo.

"Yes!"

Umupo na rin si Lea sa high stool na katabi lang niya. May dala itong tsaa. "Si Nicky Byrne ang crush ko sa Westlife. Ang hot kasi." She giggled. "Kung legal lang ang pang-aagaw ng asawa e inagaw ko na siya kay Georgina," biro nito.

Pinanlakihan ni Mia ng mga mata si Lea. "Huy, ang bibig mo."

Napatawa si Lea. "It's just a hyperbole ate. Siyempre wala akong balak maging homewrecker 'no." Inubos na nito ang tsaa. "Pero kung sakali mang makita ko ang Westlife, handa kong isugal ang dangal ko at talagang lulukso ako paharap kay Nicky!"

Kinurot ni Mia ang tagiliran ng dalaga. Umiwas naman ito habang tumatawa.

Naiiling-iling na lang si Mia habang natatawa. Kung tutuusin ay ganoon din siya mag-isip dati. Sukdulang humanap siya ng time machine makahanap lang ng pagkakataong bumalik siya sa nakaraan para pikutin ang isa sa mga naggaguwapuhang miyembro ng Westlife. Di kaya naman ay yayain ang mga ito na sumali sa isang tribu na pinapayagan ang Polymarya o pag-aasawa ng marami. Kung posible lang ay siguro e nagawa na niya.

Dati 'yun pero ngayon ay bukal sa loob na niyang tinatanggap ang kapalaran niya na hanggang fan lang siya. At kung paanong minahal niya ang lads ay ganoon na rin ang pagtingin niya sa kani-kaniyang partners ng mga ito.

Napangiti siya.

Muling tumunog ang prompt hudyat na may mensaheng muli sa telebisyon. Lahat sila ay napapunta roon.

"May nakalagay na mga kahon sa storage room. Kumuha kayo ng tig-iisa."

Tumalima ang lahat at magkakasama nilang pinuntahan ang kuwartong tinukoy ni Big Brother.

The Secret Task [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon