PBB 12

66 8 7
                                    

"Kumusta?"

Iyan ang bungad ni Big Brother kay Mia pagkaupo nito sa upuang nakatalaga sa Confession Room. Ipinatawag siya nito tatlumpung minuto pagkatapos niyang mawalay sa apat.

Bumuntong-hininga si Mia. Kita ang nakapintang lungkot sa mukha. Pero 'yun ay naglaho nang mapalitan iyon ng positibo at masaya niyang ekspresiyon.

"Eto, Kuya, Sobrang-sobrang sobrang sobrang sobrang saya ko!" Halos kumupis ang pillow dahil sa pagkakahawak niya. "Wala akong masabi kundi thank you so much, Kuya!"

"Hindi ako ang dapat mong pasalamatan, Mia."

"Po?"

"Ang co-housemates mo. Sila ang dahilan kaya nakita mo ang Westlife ngayon."

Napatigil sandali sa pagbubunyi ang dalaga. Pinakinggan niya nang mabuti ang sasabihin ni Big Brother.

"Noong isang linggo ay binigyan ko sila ng secret task. Secret task na kailangan nilang maglaro nang walang humpay ng Mobile Legends sa loob ng tatlong araw. Kapag nagawa nila iyon ay mabibigyan ka ng pagkakataong makita ang Westlife. Nagtagumpay sila, Mia. Kaya kung may pasasalamatan man dapat dito, sila iyon."

Naitutop ni Mia ang mga palad sa bibig. Hindi siya makapaniwala.

May ipinakitang short clip sa kanya si Kuya. Doon din niya nakikita kung saan pumupunta ang pares ng housemates na napapansin niyang nawawala nitong mga nakaraang araw.

May kanyang toka o duty pala ang bawat pares. Every four hours ay nakikipagrelyebo sila sa isa pang pares huwag lang silang mabakantehan ng oras.

Kahit sa mga panahong akala niya'y tulog na ang lahat ay may naka-duty pa rin. May kung anong tumusok sa puso niya dahil ipinakita sa video kung makailang ulit na humikab ang housemates niyang toka sa panggabi.

They sacrificed their sleep for her happiness!

Namumula na ang mukha ni Mia habang nanonood. Gusto na niyang lumabas agad sa Confession Room para yakapin nang mahigpit ang mga kasama sa bahay.

"Kunin mo ang box sa harap."

Natalima si Mia. Napadako ang tingin sa may kalakihang kahon na may purple, green and red na ribbon.

"Buksan mo."

Ganoon nga ang ginawa ni Mia.

Para siyang nakakita ng brilyante nang tumambad sa kaniya ang laman ng kahon.

Complete set of dolls at isang kopya ng pinakabago nilang album!

"Wow." Walang naging ibang bukambibig si Mia kundi iyon lamang. Hindi siya makapaniwala.

Hindi na niya alam kung saan ilalagay ang nag-uumapaw na saya lalo pa nang makita niyang may pirma ang case ng CD.

"Iyan ang inihabilin sa akin ng Westlife bago nila lisanin ang bahay ko. Ibigay ko raw sa iyo."

Nanghihinang umupo si Mia sa upuan. Kung may panahon mang nakakapagod maging masaya ay ngayon iyon para sa kanya.

"To the Westlife lads who are watching this, I can't find words to say thank you. All I want you to know is you made this little girl's dream come true. You're the best!"

Pihado si Mia na kailanman ay hindi niya makakalimutan ang araw na ito.

Ah, kung siya naman ang kausapin ni Big Brother sa susunod, hinding-hindi din siya tatangging gawin ang anumang secret task para sa kaligayahan ng kapwa niya housemates.

May ngiti sa mga labi niyang nilisan ang Confession Room. Sabik na siyang ipakita ang mga manika sa mga kasama niya.


End

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now