PBB 9

34 5 4
                                    

"Hala, nandito na 'yung Westlife mo!" Medyo malakas man ang pagyugyog na ginawa ni Cameron kay Mia ay parang hindi natinag ang huli.

Napako si Mia sa kinatatayuan. Nagmistula siyang estatuwa habang ang mga mata ay nakatutok lang sa apat na dayuhang inaawit ang If I Let You Go.

Hinawi ng housemates ang gitna para bigyang-daan ang Westlife na noo'y papunta sa munting entablado.

"Mia, pumunta ka na sa stage, dali." Halos masubsob sa lupa si Mia nang pagtulungan siyang itulak-tulak nina Jaya at Cameron.

"H-Hoy. Huwag." Pilit nilalabanan ni Mia ang dalawa na nagsanib-puwersa.
"Nahihiya ako."

Para bang may nakitang kung anuman ang dalawa dahil napatigil sila sa pagtulak kay Mia. Sa una'y akala ng huli ay nagtagumpay siya ngunit huli na nang mapagtanto niyang may tinitingnan ang mga ito sa likod niya.

Si Mark Feehily!

Doon nagkaroon ng pagkakataon si Mia na pagmasdan ang bawat detalye ng mukha nito na pinatanda man ng panahon ay hindi naman nakupasan ng kaguwapuhan. Ang totoo'y mas gumuwapo pa ito sa paningin niya!

"M-Mark.." Gustong mamilipit ni Mia sa pagkakataong iyon. Hindi niya mawari kung naiihi siya o dulot lang ba 'yun ng kilig na nanunulay sa katawan niya.

Inilahad ni Mark ang kanang kamay patungo sa dalaga. Ubod nang tamis niya itong nginitian. "Shall we?"

Sa pagkakataong iyon ay hindi tinanggihan ni Mia ang kamay na iniaalok ng kaharap. Ang isang bahagi ng kanyang isip ay nagsusumigaw na huwag ipahiya ang iniidolo lalo pa at mapapanood ang tagpong ito sa National TV!

Wari mo ba ay tumambay nang ilang minuto sa loob ng ref ang dalaga dahil ang pangangatog ng mga kamay ay sinabayan pa ng pangangaligkig ng tuhod. Kinakabahan siyang hindi mawari.

Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang kapwa housemates ni Mia na noo'y nasasaksihan ang 'fangirling dream come true' moment niya.

Nang makaakyat siya sa stage ay sinalubong siya ng yakap nina Kian, Shane, Nicky at panghuli ay si Mark. Lihim niyang hiniling na nandiyan din sana si Brian ngunit alam niyang napakalabo noon. Dalawampung taon nang wala si Brian sa Westlife.

Gayunman, labis-labis pa rin ang pasasalamat niya. Kung paanong nagawan ng paraan ng PBB staff na mapapayag ang Westlife ay wala siyang ideya. Wala rin siyang oras para alamin iyon dahil ang mahalaga sa pagkakataong ito ay ang kaligayahang nararanasan niya ngayon.

Sinaliwan ni Mia ang lads sa pag-awit ng If I Let You Go.

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now